Photo courtesy of Facebook/Roger&Lisa |
Ang pambato ng Team Philippines sa
2019 30th SEA Games surfing event na walang iba kundi si Roger
Casugay, isa sa pinakamagaling na surfer ng bansa.
Sinasabing napakalakas ng tiyansa na maiuwi ni Casugay ang gold medal sapagkat higit sa ito ay tubong La Union, ay pamilyar na din ito sa Mona Liza’s point, isang tanyag na lugar sa pag-surf at siya ding pagdarausan ng SEAG competition. *
Sinasabing napakalakas ng tiyansa na maiuwi ni Casugay ang gold medal sapagkat higit sa ito ay tubong La Union, ay pamilyar na din ito sa Mona Liza’s point, isang tanyag na lugar sa pag-surf at siya ding pagdarausan ng SEAG competition. *
Ngunit sa di inaasahang insidente
habang nagaganap ang gold medal match sa pagitan ng katunggaling Indonesian
kung saan ay biglang naptol ang tali ng kanyang surf at tuluyan na nga itong
nahulog mula sa kanyag surfboard.
Agad namang tinulungan ni Roger
ang kanyang katunggali at iniligtas mula sa panganib, kahit na nakasalalay pa
rito ang gintong medalya na kanilang pinaglalabanan.
Samantala, madami ang humanga sa
kabayanihan na ginawa ni Roger, agad hinangaan sya ng mga nanood sa nasbing
event at maging ang mga netizens ay pinapurihan din sya.
Ang ating bayaning surfer, bayani din ng mga hayop
Ngunit alam nyo ba, na isa din
palang Animal rescuer si Casugay? Bukod kasi sa pagkakaligtas nya sa kanyang
Indonesian competitor, ay mahilg din magligtas ng mga hayop ang ating magiting
na atleta.
Photo courtesy of Facebook/Roger&Lisa |
Ayon sa ulat ng Daily Tribune, nito lamang Oktubre, Si Roger at ang kanyang partner ay
nasa Calicoan Island in Guiuan, Eastern Samar, para sa ikalawang yugto ng
sinasalihang kompetisyon na Philippine Surfing Champonship nang may nakitang aso
na pipilay-pilay ito.
Pagkatapos ng kompetisyon ay
daliang dinala ni Casugay ang kawawang aso sa isang beterinaryo upang ipagamot
ito. Kahit pa kinailangang magbyahe ng tatlong oras para makarating sa
beterinaryo.
Maging ang kanyang partner na
isang foreigner na taga Netherleands na si Lisa Verweil, ay mahilig din
magrescue ng mga stray cats.
Makikita sa isang post ni Lisa sa kanyang Facebook account noong
October 22, aniya: “A few days ago we found a very injured dog at the beach of
Calicoan, Samar. Both his back legs fractured and open wounds. It was
heartbreaking and so sad. Also very skinny, hungry and thirsty. Today I’m
so grateful to say we were able to bring the dog to Tacloban (3 hours) drive.
We found a rescue shelter who will take care of him and brought him to the vet.
The leg(s) will be amputated.”
“Forever grateful to
Hope and Haven 4-Paws Animal Rescue in Tacloban for taking care of this dog and
give him a chance to live. So thankful. You’re doing amazingly good work and
definitely can use more donations,” dagdag pa ng kasintahang si Lisa. *
Samantala, sa kasagsagan ng balitang pagligtas ni Roger sa kapwa
surfer, nagsalita naman ang may ari ng asong narescue nina Roger sa Eastern
Samar.
“Roger has a
heart of gold he rescued our dog with broken back legs last month brought him
to the vet in Tacloban 3 hours away and paid for his medical bills,” ayon sa entrepreneur
at designer na si Renée Patron.
Dagdag pa ni Patron, ang pangalan ng asong niligtas nina Roger ay nag-ngangalang “Chuey”.
Isa si Chuey sa mga alagang aso ni Patron na mula Giuan, Eastern Samar.
Sa kasalukuyan, nakapost sa official Facebook page ng
2019 SEA Games, inanunsiyo nito na pansamantalang pinagpapaliban muna ang
Surfing competion.
Isa ang surfing sa mga naapektuhang event sa 2019
SEA Games dulot ng Bagyong Kammuri o may kilala sa atin bilang bagyong “Tisoy”.
Mas prayoridad umano ng mga organizers ang kapakanan at kaligtasan ng mga
atleta.