Efren Bata Reyes / larawan mula sa Remate |
Wala pa ring kupas ang legend na si Efren “Bata” Reyes matapos niyang itaob ang kalabang Thai sa score na 100-36 sa Southeast Asian Games 2019 sa isang “carom” cushion quarterfinals sa Manila Hotel Tent City noong Miyerkules.
Dahil dito abante na ang billiards icon ng Pilipinas sa semi-finals nang kanyang talunin si Punyawee Thongchai sa nasabing match.
Ang panalong ito ni Reyes ay nasaksihan mahigit 2,000 kataong nanood ng laban na gustong Makita mag laro muli ang “The Magician”.
Sa carom, sinusubukan ng mga manlalaro na hampasin ang cue ball patungo sa dalawang bola na sunud-sunod. Ang bawat "carom" ay katumbas ng isang punto at ang una hanggang 100 puntos na panalo.
Sa kabila ng kanyang pagka panalo, naniniwala si Reyes na marami pa siyang kailangang gawin para maipanalo ang mga susunod na laban.
“ ‘Yung laban dapat sandali lang. Ngayon ang dami nang tira bago namin matapos 'yung [laban],” aniya
Binahagi naman ng billards legend sa mga reporters na siya ay nahihirapan dahil sa kanyang injury sa balikat.
"Hindi ko na maitaas," sabi ni Reyes, sabay turo ng kanyang balikat
“Kaya 'yung mga tinitira ko dati na magic, wala na rin. Di na gumagana. Kailangan ang gamot dito therapy pero siyempre. Siguro pagkatapos nito.”
Habang siya ay masaya dahil sa suporta ng kanyang mga kababayan, sinabi niya na mas naging mahusay sana ang kanyang laro kung walang problema ang kanyang balikat tulad noong kanyang kabataan pa o mga taong nagdaan.
“‘Yun nga sana manonood maganda sana ang ine-expect na tira wala silang nakitang maganda,” ani Reyes
Samantala, positibo pa rin ang “The Magician” na masusungkit niya ang kanyang unang ginto sa SEA Games ngayong taon sa kabila ng pagiging world champion sa billiards.
Ayon kay Reyes, ang gintong medalya na lamang sa SEA Games ang kulang sa kanya. Siya ay nagwagi na sa 70 na international championships sa larangan ng billiards.
Sa isang ulat ng rappler, sinabi ni Reyes na gagawin niya ang lahat upang makamit ng Pilipinas ang ang ginto sa nasabing larangan ngayong taon.
Larawan mula sa Businessworld |
Dahil sa panalong ito ng legend, umulan ng papuri at pagbati mula sa mga netizens, narito ang ilan:
“Ang humble ng ating legend..God Bless po..Congratulations po...goodluck po sa nxt Laban..proud”
“Walang kupas mula noon hanggan ngayon champion, congrats Efren Bata Reyes"
“Ayaw pa umamin na tlgang magaling sya. Hahaha kunwari pa eh kahit hindi nya aminin eh wala na sya kailangan patunayan. Wala nmn yata makakagawa ng mga magic nya kundi sya lang. saka ang karangalan na dinala mo sa ating bansa hindi na mabubura.”