#SaveAngkas: Good News at Bad News para sa mga ANGKAS riders at customers - The Daily Sentry


#SaveAngkas: Good News at Bad News para sa mga ANGKAS riders at customers



Angkas Bikers | Larawan kuha mula sa Manila Bulletin
Kasagsagan ng malalang krisis sa trapiko ay nagkaroon din ng isyu ang samahan ng mga TNVS o Transport Network Vehicle System sa buong NCR. Napabalita noon na panandaliang nakansela ang lisensya ng mga TNVS Company gaya ng Grab at Uber, ngunit naibalik din ito matapos maiayos sa legal na proseso. 

Subalit ilang buwan matapos maibalik sa ayos ang lahat, nagpahayag ang pamunuan ng Uber na makikipag- tie up na sila sa Grab sa anumang kadahilanan.

Dahil rito at sa maraming reklamo dahil sa malalang lagay ng trapik, nagsimula umusbong ang ideya sa motor vehicle service.At dito nakilala ang “Angkas”, kung saan kailangan mag download ng applications sa kanya kanyang mga cellphones upang masubukan ang serbisyong hatid ng Angkas.

Larawan kuha mula sa Manila Bulletin
Kilala ang Angkas sa pagbibigay serbisyo mula nuong 2017 sa mga taong nais makarating ng maaga sa kanilang pupuntahan sa mabilis at ligtas na paraan gamit ang mga motorsiklo ng mga riders o yung mga motor na nagtatrabaho sa ilalim ng kompanya ng Angkas.

Umani ng maraming positibong komento ang serbisyo ng Angkas ngunit may mga ilan na hindi nasayahan sa serbisyo ng ilang riders nito. 

Hindi alam ng nakararami na ang mismong kompanya ng Angkas ay nahaharap sa isang mabigat na problema bago matapos ang taong 2019. Naglabas ng memo ang LTFRB nsa isyu patungkol sa pag-renew ng lisensya upang makapag operate ang kompanya ng Angkas at mga bikers nito. 

Ngayong araw lamang, nagpost ang Official Page ng Angkas sa kanilang social media hingil sa ibinabang desisyon ng LTFRB sa pag renew ng nasabing License to Operate ng kompanya.

"It's been an exhausting, bittersweet last few weeks. Meron kaming good news at bad news. Ang good news: Tuloy ang operations ng Angkas next year. Ang bad news: Halos 20,000 bikers natin natin ang mawawalan ng trabaho sa pagpasok ng bagong taon," saad ng angkas sa inilabas nilang statement.

Tama po, good news dahil tuloy ang operasyon ng kompanya sa susunod na taong 2020 ngunit ang Bad News?  Nilimitahan ng pamunuan ng LTFRB ang bilang ng mga riders sa buong bansa sa pagpasok ng bagong taon. Mahigit ngang 20,009 riders ang posibleng mawalan ng trabaho kasabay ng desisyong ito.

"Your everyday heroes in traffic will enter this Christmas season not knowing whether they will have mony to feed their families next year," dagdag nila.

"Some of you may have noticed na ang hirap nang mag-book in the last few weeks. Marami kasi talaga ang nag-a-Angkas, pero gusto man naming dagdagan ang bikers para higit kayong mapaglingkuran, hindi kami pinayagan ng LTFRB,"

Larawan kuha mula sa Rappler
Napabalita kama-kailan lang ang ilang magandang naidulot ng serbisyo ng Angkas lalo na nuong mawalang ng operasyon ang LRT-2 dahil sa isang di-inaasahang pangyayari. Nagsilbing malaking tulong sa mga commuters ang Angkas upang makapasok sila sa kanilang mga klase at mga trabaho.

"Coming into this pilot, 27,000 ang bikers namin, many of whom have been with us serving you the public since 2017. Sila ay ang mga beterano, mga magagaling na bayaning matagal niyo nang pinagkakatiwalaang itawid kayo sa pagn-araw-araw na perwisyo ng traffic,"

"Ngayon, sa halip na kami ay dagdagan, nagpasya ang LTFRB na bawasan pa ang Angkas bikers mula sa 27,000 hanggang 10,000 na lamang. That's a compromise to the quality of service you can expect, and A DIRECT BLOW TO OVER 17,000 FILIPINO FAMILIES,"

Inasahan ng Angkas na dahil lumalaki ang demand sa kanilang serbisyo, ay papayagan silang magdagdag pa ng mga riders sa buong banda upang mas maraminpa ang matulungang mga commuters dahil na rin sa lagay ng trapiko sa bansa. Ngunit, kabaligtaran nito ang naging hatol. 

Napakaraming riders na hihigit sa 17,000 ang may posibilidad na mawalan ng hanap buhay at apektado dito ay mga pamilyang pilipino na umaasa sa kita mula sa morning ang a-Angkas. 

Malaki ang magiging epekto nito sa sa demand ng mga commuters dahil mababawasan ang bilang ng pwedeng i-book gamit ang Angkas App. Malaki din ang posibilidad na tumaas ang singil ng kompanya dahil na rin sa demand and supply chain. Mataas ang demand ngunit mababa ang supply ay ang pagtaas ng presyo ng serbisyo.

"Kahit patawa at balasubas kami sa social media, we prioritize the safety of our passengers and the welfare of our bikers, which will now become much harder to do with these new rules. The traffic in our thoroughfares is getting heavier each day, and there are more and more commuters to serve as time goes by,"

"Bakit kailangang bawasan at tanggalan ng trabaho ang mga bikers natin? Bakit kailangang parusahan ang mga bikers na nakapag-training at napatunayan na ang galing sa daan,"

Hindi natin masisi na maglabas ng saloobin ang pamunuan ng Angkas sa pagkadismaya dahil sa mahigit na 2-taong serbisyo nila ay binigyan nila ng importansya ang mga riders at lalo na ang mga commuters upang magbigay ng dekalidad na serbisyo sa abot kayang presyo. 

Sa ngayon trending sa mga social media ang #SaveAngkas. Nag number 1 trending ito sa Twitter sa ating bansa. 

Larawan kuha mula sa GMA
Hindi natin maiaalis mga Pilipino na magkaroon ng sarili nating sentimyento patungkol sa desisyon ng LTFRB. Dahil tama, malaki ang iginaan ng buhay commute natin dahil sa serbisyo na hatid ng Angkas.

"For three years now, tayo ay nagsakripisyo at lumaban para bigyan ng dignidad ang ating mga Angkas bikers.

"Our bikers and their families took a chance with us, too, para makapaglingkod sa inyo,"

"Now, at your time of need, we humbly ask that you share this message and help our bikers keep their jobs,"

"Help us #SaveAngkas so we and our bikers can help save you again every day,"


Ilan lamang ito sa mga komento na sumusuporta sa #SaveAngkas.

Remember when Angkas offered free rides [when] LRT-2 operations failed? Free Rides! Tas biglang ganito. #SaveAngkas - Harry Planter

I'm not a regular angkas passenger but i can tell how much time is saved because of it. It's very convenient considering how fccked-up Metro Manils traffic and public transpo are. Imagine losing 17,000 bikers next year. Imagine the traffic and stress for commuters. - Frankl, my dear

#SaveAngkas I'm not from Manila and I have never ever rode a motorcycle taxi from Angkas but that doesn't mean I don't know what is wrong and when it is happening. - Zenvi

Hinihiling ng kompanya ng Angkas ang suporta ng mga Pilipinong commuters lalo na ang mga nagamit nito na suportahan sila sa kanilang laban. Dahil para sa Angkas, ang buhay ng mga riders at commuters ang kanilang pangunahing prioridad.

Ikaw kabayan, Angkas commuter ka ba?

***

Source: Angkas

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!