'Planner ng mga Walang Plano', Ipapamahagi ng Red-Horse Beer. Astig ito! - The Daily Sentry


'Planner ng mga Walang Plano', Ipapamahagi ng Red-Horse Beer. Astig ito!



Photo credit to ABS-CBN News
Sa nalalapit na pagtatapos ng taong 2019, madami sa atin ang nag-iisip na ng mga bagong plano, mga parating na selebrasyon at meetings at bucket-list para sa bagong taon. 

At ang pinakamahusay na paraan upang matandaan at mailista ang mga paparating na okasyon at mga gawaing ito ay sa pamamagitan ng pagsulat ng lahat ng ito sa isang notebook na tinatawag na 'organizer' o 'planner'.





Isa sa nangungunang 'extra strong beer brands' sa Pilipinas na walang iba kundi ang Red Horse Beer, ay magbibigay at magpapamahagi diumano ng astig na 'planners' bilang parangal sa kanilang mga followers sa social media.

At dahil ang 'digital content' ng Red Horse beer social media page ay madalas naglalaman ng nakakatuwa at astig na imahe, na talaga nga namang patok sa mga 'followers' nito, ang 'limited-edition' planner na ito ay sinasabing maglalaman din ng mga trending photos at topics na galing mismo sa kanilang online page.

Narito ang isang sneak peek kung ano nga ba ang nilalaman ng astig na planner:

Photo credit to ABS-CBN News

Photo credit to ABS-CBN News

Ang nasabing planner ay naglalaman din ng lingguhan at buwanang mga kaganapan na kumakatawan sa Red Horse 'humor'. Magtatampok din ang bawat buwan ng kalendaryo nito ng isang topic or tema na magpapakita ng mga nagtrending na topics galing sa kanilang social media accounts.




Photo credit to ABS-CBN News
Photo credit to ABS-CBN News


Photo credit to ABS-CBN News
Mayroong ding mga pahina na nakatuon sa mga nakakatawang nilalaman tulad ng Red HorseCope, ang SLAMan Book, 'Di Pa Ako Lasing Hamon, at marami pang iba. 

Dalawa sa nakakuha ng pinakamaraming 'shared posts' ng Red Horse ay kasama rin, ang 'Puwede Uminom Pass' at ang 'the Reply slip'.





Photo credit to ABS-CBN News

Sinasabing ang mga tagahanga at 'collectors' ay maaari ring umasa na makakita ng mga 'never-before-seen contents' sa lakas-tama planner.

Saan ito mabibili? Narito ang 'catch',.. Ang planner ay 'Free' at exclusive sa mga followers at supporters ng Red Horse Beer Lakas Tama YouTube Channel's subscribers.

At dahil sa patuloy na paglawak ng Red Horse Beer online, inilunsad din nila ang sarili nitong channel sa YouTube na magbibigay at magpapakita ng mga 'contents' at 'topics' na nababagay sa kanilang mga tagasubaybay at merkadong mamimili. Ang channel ay maghahatid din ng mga video na nilikha ng mga rock icons at influencers na sumasalamin sa natatanging 'astig personality' ng Red Horse.

Paano sumali? Mag-subscribe lamang sa Red Horse Beer Lakas Tama YouTube Channel sa Link na ito: [https://www.youtube.com/lakastamachannel] at maaari kang makakuha ng isang pagkakataon upang manalo ng limited-edition planner sa weekly giveaway ng kanilang Facebook page: [https://www.facebook.com/redhorsebeer/].






Source: ABS-CBN News