Larawan mula sa Youtube |
Sinong mag-aakala na si Edmar na dating taga hugas lamang ng sasakyan ng iba ay ngayon sariling mga sasakyan na niya ang kanyang nililinis at mayroon na din siyang dalawang bahay, apartment, paupahan na condo unit at isang three-storey na building.
Ayon kay Edmar, halos lahat ng hirap ng isang anak na walang tatay at hiwalay sa mga magulang ay nasubukan na nito sa kanya dating buhay.
“Lahat siguro ng paghihirap ng isang anak na walang tatay at separated ang mga magulang, pinagdaanan ko.” ayon kay Edmar
Dahil dito ay kung ano-anong trabaho ang pinasok ni Edmer para maisalba ang pang araw-araw na kainin. Nasubukan na din nitong maging tindero ng gulay, parking boy, tagabantay ng computer shop, hanggang sa naging car wash boy ito.
Larawan mula sa Youtube |
Kwento pa nito, lubos na nalungkot siya nang dating makipag-sapalaran siya sa ibang bansa para makahanap ng trabaho ngunit hindi siya pinalad.
“Sinuyod ko lahat ng trabaho sa Macau, pasa ng resume diyan, pasa ng resume doon kasi pursigido talaga akong makahanap ng trabaho kaso wala talaga.” ayon kay Edmar
“Iyak lang ako nang iyak kasi ayoko ma-disappoint sa akin ‘yung nanay ko ‘eh.” dagdag pa nito
Gayunpaman, hindi parin nawalan ng pag-asa si Edmer at nag-aral ito sa TESDA kung kaya nakaipon ito ng kaunti mula sa natatanggap nitong allowance na binibigay ng TESDA at ginamit niya ito para magpatayo ng isang maliit na food cart.
Pumatok ang business niyang ito kung kaya nakapag pagawa pa siya ng anim pang food cart at dito na siya unti-unting kumita na pera at nabago ang kanyang kapalaran.
Larawan mula sa Youtube |
Larawan mula sa Youtube |
Naniniwala din si Edmer na daig ng madiskarte ang matalino.
Ganunpaman, kahit anong sarap na nang buhay ngayon no Edmar ay hindi parin mawala-wala ang pait na nararamdaman niya dahil hindi buo ang pamilya nito.
Ayon pa sa kanya, kahit magandang buhay na ngayon ang kanyang tinatamasa ay pangarap parin nitong magkaroon kahit na isang litrato na buo ang kanyang pamilya kasama ang tatay at nanay nito.
****
Source: Youtube