Panday Sining idineklarang persona non grata sa Maynila - The Daily Sentry


Panday Sining idineklarang persona non grata sa Maynila



Idineklarang persona non grata ng Manila City Council ang militanteng grupo na Panday Sining. Ito ay matapos nilang suwayin muli ang babala ni Manila Mayor Isko Moreno na itigil na ang kanilang ginagawang bandalismo sa mga lugar ng Maynila.
Image mula Google

Ayon sa Facebook post ng Manila Public Information Office, nagpasa ng resolusyon ang Manila City Council na ipagbawal ang pagpasok ng nasabing grupo sa siyudad ng Maynila.

Kaugnay ito sa pagkakaaresto kamakailan ng mga tauhan ng Manila Police District sa apat na miyembro ng Panday Sining na naaktuhang binababoy ang poste ng Light Rail Transit (LRT) sa lungsod ng Maynila.
Manila Mayor Isko Moreno

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang bandalismong ginawa ng Panday Sining sa ilang underpass ng Maynila noong nakaraang buwan.
Bandalismo ng Panday Sining sa Underpass ng Maynila

Nagbabala na rin si Mayor Isko na huwag na nilang uulitin ang kanilang pagbabandalismo ngunit tila naghamon pa ang mga ito at muling dinungisan ang telecom box malapit pa mismo sa Manila City Hall gayundin ang mga pader ng Araullo High School sa lungsod at ang pinakahuli ay ang konkretong poste ng LRT.
 Bandalismo ng Panday Sining sa poste ng LRT
 Bandalismo ng Panday Sining sa pader ng Araullo high school
Bandalismo ng Panday Sining sa poste ng LRT

***
Source: Inquirer