Victory Liner Bus | Ang Pamilyang katutubong aeta |
Naging maingay sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa isang sikat at malaking bus company dito sa bansa na di-umano ay namimili ng kanilang isasakay na pasahero.
Sa post ni Mikhael Petito, tahasan niyang tinawag ang atensyon ng Victory Liner, Inc. patungkol sa nasabing pamimili ng pasahero ng naturang bus company.
Kwento niya, habang siya'y naghihintay din ng masasakyan na bus ay napansin niya ang isang pamilya ng mga kapatid nating mga Aetas na nag-aantay din ng kanilang masasakyan.
"Nalaman ko sa Sta. Cruz, Pampanga lang sila at AYAW SILANG PASAKAYIN sa mga aircon na bus?!?!?🤯🤬😡 2 bus na daw ang dumaan and tinanggihan silang isakay ðŸ˜," saad niya.
Larawan kuha mula sa post ni Mikhael Petito |
Saka lang sila nakasakay nang dumaan ang isang ordinaryong bus.
"Hi Victory Liner, Inc. , may existing rules ba kayo na namimili ng sasakay?,"
"EDIT: Sa mga nagtatanong, Aetas po sila hindi po mga insane or what. Aetas are indigenous people po from Luzon," paliwanag ni Mikhael.
Umani ito ng maraming reaksyon mula sa mga netizen at nagpahayag ng kani-kanilang mga opinyon:
Sila ay mga katutubo. Hindi porket dahil sa kulay nila ittrato natin sila na iba. Kung tutuusin isa lang naman ang una at originally at mga kaninunuan nila ang una namuhay dito. - Janine Ayala
Diko napigilan patak ng luha Ko - Barba Mariel Tena
Narito ang kaniyang buong post:
HINDI AKO MAPAGPOST NG GANITO PERO PAISA LANG AH!!!
Habang naghihintay ako ng bus papuntang Pasay napansin ko sila sa gilid ng shed may kausap na babae. Nacurious ako and lumapit kung saan sila papunta. Nalaman ko sa Sta. Cruz, Pampanga lang sila at AYAW SILANG PASAKAYIN sa mga aircon na bus?!?!?🤯 2 bus na daw ang dumaan and tinanggihan silang isakay ðŸ˜
Hindi ko naabutan yung hindi sila sinakay. Ready na akong makipagbalyahan at isakay sila sa susunod na bus .Maya maya may mini ordinary bus (hindi aircon) na dumating tinulungan namin sila ni ate and sinakay naman sila.
Hi Victory Liner, Inc. , may existing rules ba kayo na namimili ng sasakay?
Ayon kay ate na nag assist din sa knila 2 victory liner bus ang tinanggihan sila.
***
Source: Mikhael Petito
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!