Photo credit to ABS-CBN |
Marami sa mga overseas Filipino workers (OFW) ang tumatanggap at nagbabayad ng isang tagapangalaga ng kanilang mga pag-aari sa Pilipinas upang makasiguro na ang kanilang bahay at ari-arian ay mapabuti at hindi masisira habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ngunit isang OFW ang lubhang nabigla nang matuklasan na bukod sa mga sasakyan niyang nawala na at naisangla na ng kanyang caretaker, muntik na din palang mawala ang kanyang bahay at lupa dahil ipinagbibili na din pala ito sa halagang limang milyong piso.
Nagtatrabaho si Marita Esseler sa Amerika. Iniwan niya ang kanyang mansyon at ilang mga sasakyan sa Pampanga kasama ang isang tagapangalaga ng mga nito. Kwento ni Esseler ay pinagkatiwalaan niya ng sobra ang caretaker at pinapadalhan pa ito ng pera sa loob ng mahabang panahon habang siya ay nasa ibang bansa. Ngunit ng maglaon ay parang nag-iba ang pakikitungo at mukhang may tinatago na sa kanya ng tagapangalaga kaya nagsimula siyang kabahan at magduda.
“Ang dami ko na napadalang pera medyo ninenerbiyos na’ko. Later on, sabi ko, ‘Bakit parang kulang na ang pinapadala niya sa’king mga resibo, hingi na ng hingi ng hingi ng pera,” sabi ni Esseler.
Ayon sa OFW na si Marita Esseler, sa Enero 2020 pa sana siya uuwi mula Amerika pero napaaga ang kaniyang pagbabalik-bayan matapos niyang marinig ang balitang ibinibenta ng caretaker ang kanyang bahay at lupa na kanyang nabili noong nakaraang taon.
Sa tulong ng pulisya sa pangunguna ni Police Capt. Leopoldo Cajipe, direktor ng CIDG-Angeles City, isang 'entrapment operation' ang ginawa. Ang caretaker ay walang ideya na si Esseler ay nakabalik na sa Pilipinas at inalerto ang mga pulis tungkol sa magiging pekeng transaksyon. Sa ilalim ng mapagbantay na mata ng CIDG, binayaran ng nagpanggap na buyer ang caretaker ng 'marked money'.
“Noong natapos na yung transaction nila dun sa loob, 'yun pumasok na kami. ‘Dun na namin nakita 'yung mga pekeng documents, at the same time, 'yung marked money natin,” ani Police Capt. Cajipe.
Ayon din sa director ng CIDG, nakuha mula sa suspek ang pinekeng titulo ng lupa at special power of attorney na may gawa-gawang pirma ni Esseler. Lubhang nagulat din ang OFW nang malaman na maging ang mga sasakyang pag-aari niya ay wala na at isinangla na din ng suspek.
Desidido si Esseler na magsampa ng kaso laban sa dating caretaker na haharap sa kasong falsification of public documents at paglabag sa RA 9105 o Art of Forgery Act of 2001.
Ayon sa pulisya, mukhang nalulong sa sugal ang suspek dahil na din sa mga nakitang bingo receipts sa entrapment operation, ngunit mariing itinanggi naman ng ito suspek.
Source: ABS-CBN News