Ngunit tuwing sasapit ang pasko, iba't-ibang kwento tungkol sa ninong at ninang at kanilang mga kumare o kumpare ang kumakalat sa social media, kung saan nagkakagalit pa ang ilan dahil sa pagiging "demanding" ng ibang magulang sa mga ninong at ninang ng kanilang mga anak.
Pero malayo ang kwento ng netizen na ito sa sitwasyong iyon. Dahil kung maaari lamang, ay hihilingin ng bawat inaanak na ganito din ang kanilang ninang.
Marami ang natuwa sa kwento ng netizen na si Ayon kay Princess Joie H. Cabiles. Nag-trending ang kanyang Facebook post na ngayon ay 32k reactions, 7.1k comments, at 194k shares.
Makikita sa naturang post ang usapan ni Princess at ng kanyang ninang na tila nasa ibang bansa. Base sa kanilang naging chat, hindi inasahan ng dalaga ang pamasko sa kanya ng napakabait nitong ninang.
Nagsimula ito sa pagtatanong ng ninang ni Princess kung nakuha na nya ang padala nito.
Sinagot ng clueless na inaanak ang kanyang ninang at tinanong ito kung ano ang tinutukoy nya na padala. Dagdag pa nya, gabi na nung oras na yon.
Kung saan masaya namang sinabi ng napaka generous na ninang ang kanyang surpresa sa dalaga.
Ngunit laking gulat na lamang ng kanyang inaanak ng malaman ang kanyang pamasko.
Base sa paliwanag ng kanyang ninang, ang P23,000 na binigay nya sa inaanak ay P1000 kada taon na hindi nya ito nabigyan ng pamasko.
Narito ang buong Facebook post: