Pasko ang isa sa mga pinakamalaking padiriwang na idinaraos taun-taon. Ito ang panahon kung saan nagbubuklod-buklod ang bawat pamilya o magkakaibigan. Tuwing pasko din nagkakaroon ng pagkakataon ang mga inaanak na humingi ng aginaldo sa kanilang mga ninong o ninang, bilang nakasanayan nang kaugalian sa bansa.
Ngunit ang pagbibigay ng aginaldo sa mga inaanak ay hindi obligasyon ng mga ninong o ninang. Ang pangunahing papel nila ay gumanap na pangalawang magulang sa pagkakataong kailanganin sila ng kanilang mga inaanak. Sa madaling salita, gabay lamang sila. Gayunpaman, may iba na tila ang tingin sa kanila ay responsibilidad nilang magbigay ng aginaldo sa mga inaanak tuwing sasapit ang kapaskuhan. Gaya na lamang ng ibinahaging kwento ng isang ninang.
Makikita sa Facebook post ni Desiree Norva Suelto ang naging usapan nila ng kanyang kumare.
Ayon sa nasabing ninang na isang OFW, hindi nya inakalang mangyayari sa kanya ang bagay na nababasa nya lang dati sa social media. Ang tinutukoy nya ay ang mga nag-trending na kwento dati kung saan nagsisimula sa simpleng pangungumusta ang usapan at nauuwi sa panghihingi ng isang pabor.
Naglabas ng saloobin si Suelto sa naturang post dahil umano sa naging pahayag ng nanay ng kanyang inaanak tungkol sa kanyang binigay na pamasko na nagkakahalaga lamang ng P200.00.
Narito ang Facebook post:
Akala ko mababasa ko lang ito sa iba. Hindi ko rin inaasahan na mangyari ito sa akin. Maaari ko bang tanungin kung ano ang papel ng ninang/ninong? Obligasyon ba namin magbigay ng luho ng aming mga inaanak? Napapa-English ako dahil galit ako. Kasi parang ininsulto ako na 200 LAMANG natanggap ng inaanak ko sa pasko. Yung nagpadami ng balakubak ko eh yung sabi nyang ayaw nya ng mumurahin na baril barilan para sa anak nya. Juskolooord, hinihintay nya talaga na mag online ako. Madaling araw na sa pinas. (Translated from Ilonggo)
Ito ang naging usapan nila ayon sa ninang:
Image from Suelto's post |
Image from Suelto's post |
Image from Suelto's post |
Image from Suelto's post |
Image from Suelto's post |
Image from Suelto's post |
Original Facebook post:
Source: Desiree Norva Suelto