Netizen nagbigay ng babala sa mga naninigarilyo matapos bawian ng buhay ang kanyang kapatid - The Daily Sentry


Netizen nagbigay ng babala sa mga naninigarilyo matapos bawian ng buhay ang kanyang kapatid



Nagbabala ang isang netizen sa mga taong naninigarilyo na tigilan na ito habang hindi pa huli ang lahat.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Sah Zamora ang pinagdaanang hirap ng kanyang kapatid na may stage 4 lung cancer bago ito pumanaw.

Ayon kay Sah, kung ikaw ay may stage 4 lung cancer, anumang oras sa loob ng 6 months ay pwede ka ng mawala.

Sa loob ng anim na buwan ay sinamahan ni Sah ang kanyang kapatid na lumaban. 

Dagdag pa ni Sah, ibinabahagi niya ang kanyang kwento dahil alam niyang masakit ang mawalan ng kapamilya. 
Sah Zamora / Image mula sa kanyang Facebook account

Pinaalalahanan niya ang mga naninigarilyo na pahalagahan ang kanilang mga katawan katulad ng pagpapahalaga ng mga taong nagmamahal sa kanila.

Sa ngayon ay umabot na sa 9.2k reactions at 17k shares ang post ni Sah.

Narito ang kanyang buong post:

“Sigarilyo? = 6 months”

Anytime sa loob ng 6 na buwan pwede ka nang kunin ni Lord kapag may Stage 4 Lung Cancer ka. Sa loob ng 6 buwan unti-unting kinakain ng cancer cells buong katawan mo. Pero pinakita mo ate ang tapang mo. Sa loob ng 6 na buwan , araw at gabi lumaban tayo. Dumating sa point na hindi mo na kilala mga tao sa paligid mo , pero ako? Si “bunso” never mo akong nalimutan. Ikaw at ako magkasama hanggang sa huling hininga mo.. ðŸ˜¥

So what if hindi ka NANIGARILYO at nag vape?

Siguro ini-enjoy mo tong dream house mo.
Siguro nagcecelebrate tayo ng birthday mo ngayon. Nagbabake at nagluluto sa magarang kitchen mo.
Siguro nasa orphanage tayo ngayon nagsheshare ng blessings mo.
Siguro palagi mong tinatakas si Reema.
Siguro nag-eenjoy kapa sa buhay kasama kaming pamilya mo.
Siguro walang 6 months. ðŸ˜”

Pero nangyari na... Bago ka lumisan sa mundo galit kana sa naninigarilyo. Ayaw mo nang may nakikitang naninigarilyo dahil ayaw mong maranasan nila yung epekto at sakit na maaring maidulot ng sigarilyo sa katawan.
Imahe mula sa Facebook account ni Sah

Ika mo nga”NASA HULI ANG PAG-SISISI”.

Sineshare ko to dahil masakit mawalan ng kapamilya. Na hindi ko pa rin matanggap pagkawala ng sister ko... Oo , Lahat naman tayo doon papunta. Ika nga “una una lang” sabi ng mga smokers. Pero sana ikaw na smoker pahalagahan mo din yung katawan na pinahiram sayo, tulad ng pagpapahalaga ng mga taong nagmamahal sayo. Sana iwasan nyo na manigarilyo. May oras kapa...

P.S. Happy birthday in heaven ate. Tuwing birthday mo gusto mong may natutulungan ka hindi ba? Sana makatulong tong story natin.

Sorry napahaba. Pwede mong ishare."


***