Isang ina, nagbabala sa mga kapwa magulang na mahilig paglaruin sa mga Mall playhouse ang anak - The Daily Sentry


Isang ina, nagbabala sa mga kapwa magulang na mahilig paglaruin sa mga Mall playhouse ang anak



Ang ating mga anak ang nagbibigay ng saya at ligaya sa ating tahanan. Nakakawala ng pagod ang makita lamang natin na sila ay masaya at masigla. Sila ang tunay nating kayamanan.
Photo credit to the owner

Bilang mga magulang ay ibinibigay natin ang alin mang gusto nila basta kaya natin upang mapasaya lamang sila. Subalit may mga pangyayari na hindi natin aakalain at maiiwasan.

Sa Facebook post ng netizen na si Sarah Jane Calma, nagbabala ito sa mga kapwa niya magulang na maging maingat sa mga playhouse kung saan naglalaro ang iba’t ibang bata.

Kwento ni Calma, napadalas raw ang paglalaro ng kanyang anak sa mga playhouses, isang araw ay nagkaroon ito ng mataas na lagnat na umanot sa 39.6° C.
Sarah Jane Calma at kanyang anak / Larawan mula sa Facebook account ni Sarah

Dinala ni Calma ang anak na si Rischa sa isang pedia at nalaman nilang sobrang dami raw ng singaw ng bata na naging sanhi ng kanyang lagnat.
Photo credit to the owner

Bukod rito ay posible ring ang sakit ni Rischa ay Hand, Foot and Mouth Dis@ese na nakukuha sa kanyang paglalaro sa mga playhouses. Ngunit kailangan pang obserbahan ang bata dahil ang symptoms raw ng HFMD ay singaw, saka rashes sa kamay at paa. 

“Yung rashes daw, yung parang sa bulutong, yung may lamang tubig. Kampante na kami kasi gabi na, wala pa dn syang rashes,” saad ni Calma.

Ngunit kinabukasan pagkagising ni Calma ay nakita niya ang mga rashes ng kanyang anak. Dito na niya nakumpirmang HFMD nga ang sakit nito.

Bumalik sina Calma sa pedia ng anak ngunit wala raw umano gamot ang HFMD. Ang sabi ng pedia sa kanya ay kusa raw itong mawawala. Niresetahan naman siya ng kontra sa pangangati.
Photo credit to the owner

Basahin ang buong post ni Calma sa ibaba:

❗️❗️❗️ATTENTION TO ALL PARENTS OUT THERE❗️❗️❗️

*long post ahead*

Share ko lang naging experience namin ni Rischa. Recently kasi, napapadalas sya sa playhouse. Yung gaya ng iplay, kidzoona, lilgiants, etc. So ayun nga. Last Monday, nagka high fever sya. Her highest temp is 39.6C. Bumababa naman tapos tataas ulit, pero hindi na mas mababa pa sa 37.5C. So the next day, dinala ko agad sya sa pedia nya. We found out na sobrang dami nyang singaw sa lalamunan, which causes her high fever. Di daw tonsilitis, kundi singaw.. sabi ng pedia nya, possible na HAND, FOOT and MOUTH DI$EASE daw pero malamang daw na hindi since 2nd day na ng fever nya pero wala pa din visible na rashes o spots. Symptoms daw kasi ng HFMD ay singaw, saka rashes sa kamay at paa. Yung rashes daw, yung parang sa bulutong, yung may lamang tubig. Kampante na kami kasi gabi na, wala pa dn syang rashes. E sabi nga, sa 2nd day daw yun lumalabas. Bumaba na din temp nya. Wala na syang lagnat nun. Tapos kahapon, nung gsing namin, ayun na.. biglang dami ng butol butol nya sa katawan. ðŸ˜­ HFMD nga. ðŸ˜­ wala daw meds pra dun, kusa lang na nawawala. Nakakaawa lang kasi di sya makatulog ng ayos, makati kasi yon. Kamot sya ng kamot, taz iyak ng iyak pag pinipigilan ko magkamot ðŸ˜­ðŸ˜­
 Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Jane Calma
  Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Jane Calma
 Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Jane Calma

What im trying to say here is, talamak daw ngayon yung HFMD. Better na mag stay at home na lang muna ang mga kids, o kaya, refrain from letting them play sa mga playhouse kasi di naman natin alam kung lahat ba ng batang naglaro dun ay walang sakit na nakakahawa. Saka ugaliing mag wash ng hands.

Wala daw meds for this. Kusa lang daw mawawala. Anti-itch lang nireseta sa kanya. Buti nga at hindi ganun kalalang case ng HFMD yung napunta sakanya. Kasi kung hindi, lalo nang nakakahagas.

Kahit anong iwas talaga sa sakit, kung mahahawa ka, dadapuan at dadapuan ka talaga ðŸ˜­ðŸ˜­ðŸ˜­

EDIT: Maraming nagco-comment na ilipat ko daw ng pedia kasi imposible daw na walang gamot para dito. Ilang doktor na po ang napagtanungan ko, wala talagang gamot. At nasabi ko na din po sa upper part ng post ko na ANTI-ITCH lang ang gamot na nirereseta. Antibiotics kung may singaw. That’s it. Pero for HFMD mismo, wala talaga. May mga nagcocomment din na BULUTONG daw ito. Hindi po. Dahil ang bulutong, sa buong katawan yun at walang singaw sa bibig. Ito pong sa baby ko, sa paa at kamay lng may butol, plus yun ngang singaw nya sa lalamunan.

PS. Okay na po si Rischa. Tuyo na mga rashes nya at di na din bumalik lagnat nya. Thank you po. ☺️

EDIT : so ayun nga. May nagcomment dito sa post ko na sinisisi ako sa nangyari sa anak ko. Yes, partly, kasalanan ko. Ako nagdala sa kanya don e. Pero bilang nanay, i just want my kid to have fun. Walang may gusto nito. Nakakasama lang ng loob dahil pinost ko lang naman to dahil gusto kong maging aware yung mga katulad kong magulang na. I dont need comments saying na kasalanan ko to, specially coming from somebody na wala namang anak. Ineng, di mo alam ang pakiramdam ng isang ina. So i dont need you unsolicited advice. Thank you."

Sa ngayon ay umabot na sa 1.4k reactions, 4.4k comments at 4.7k shares ang post ni Calma.


***