Nagtitinda ng mga inumin sa kalye, huli sa akto ang pag-igib ng tubig mula sa kanal - The Daily Sentry


Nagtitinda ng mga inumin sa kalye, huli sa akto ang pag-igib ng tubig mula sa kanal



Larawan kuha mula sa post ni Saycil Trazona

Kaliwa't kanan na ang mga vendors ngayon sa kahit saang lansangan ang nagtitinda ng mga ibat-ibang klaseng inumin sa napakamurang halaga lang, masarap at pamatid uhaw sa mainit at nakakauhaw na panahon.

Ngunit papano kung malaman mo na ang tubig na ginamit sa paborito mong inumin ay inigib di umano galing sa kanal?

Mainit na pinag-uusapan ang isang viral post sa social media na ibinahagi ni Saycil Trazona ang nakuhanan niyang video tungkol sa nakakadiring ginawa ng isang vendor.


"San kaya galing ung tubig ng palamig mo!?," saad niya

"Juskooo Lord..tumigil tlga mundo ko. ung palamig na iniinom mo sa tabi tabi..di sa ng oover react ako.. Hellooo!! khit sabihin pang hugas yan.. jusko!!! dagdag ni Saycil.

Larawan kuha mula sa post ni Saycil Trazona

Makikita sa video na kanyang ibinahagi, ang isang lalake dala ang isang water jar na lagayan ng binibentang juice na tila ay umigib ng tubig sa isang manhole na nasa kalsada.

Paliwanag din ni Saycil na hindi sa sinisiraan niya ang panig ng mga street vendors.

"P.S di ko sinisiraan mga side vendor. UMINOM KAYO NG PALAMIG sa tabi tabi.. take it at your own risk!👍✌🏻,"

Umani din ito ng samot-saring mga reaksyon mula sa mga netizen na di maiwasang mangdiri sa kanilang nakita sa video:

"Luigi Farol kaya ayoko na talaga bumili sa tabi tabi di man natin nakita san nya dinala pero di ko narin gusto makita nakakaiyak yan😖," - Paul Quimbo

"Rafael Jr Ricablanca reason kung bakit ayoko talaga mag palamig basta2. Hndi dahil maarte kundi dahil kelangan alagaan ang sarili,"😩 - Kathlyn Mabuyo Lamano

Larawan kuha mula sa post ni Saycil Trazona

"Camille Esguerra Krishia Forbes Naalala mo nung kumakain tayo sa Hepa Lane tapos nahulog yung sandok sa kanal? Tapos pinang sandok padin sa kanin. Hahahahaha Tulala realness tayo nun Mami LOL," - Ehrran Montoya

May iba din sa mga netizen ang nagtatanong kung baka naman sa iba lang ginagamit ang tubig gaya ng panghuhugas o panglilinis at hindi naman ginagawang palamig:

"May proof kaba na tinimpla talaga sa tubig na yan ung palamig? Baka naman pang sakanila yan pang buhos buhos lang sana may vid ka din ng pag timpla ng palamig simula kinuwa ung tubig sa kanal hanggang sa pag timpla," - Kevin Kyle

"Anu ba yan? sure ba kayo na ginamit nya sa palamig yan? baka naman ginamit lng pang igib ung lalagyanan ng palamig? may pruweba ba na nag titinda sya ng palamig? mga pinoy nga naman maka post lng," - Kimmy Ayuste


Narito ang kanyang buong post:



san kaya galing ung tubig ng palamig mo!? juskooo Lord..tumigil tlga mundo ko. ung palamig na iniinom mo sa tabi tabi..di sa ng oover react ako.. Hellooo!! khit sabihin pang hugas yan.. jusko!!! 😱😰😨

P.S di ko sinisiraan mga side vendor..
UMINOM KAYO NG PALAMIG sa tabi tabi.. take it at your own risk!👍✌🏻

***

Source: Saycil Trazona

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!