Ninang, may mensahe sa mga demanding na magulang ng kanilang mga inaanak - The Daily Sentry


Ninang, may mensahe sa mga demanding na magulang ng kanilang mga inaanak




Pagmamahalan at pagbibigayan ang tunay na diwa ng pasko. Kung kaya naman tuwing sasapit ang pinaka-inaabangang espesyal na araw na ito taun-taon, isang bagay na nakaugalian nang gawin ng pamilyang Pilipino ang mas nagpapalapit pa sa mga magkumare at magkumpare. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang mga inaanak.

Bilang mga ninong at ninang, tradisyon na sa bansa ang pagbibigay nila ng aginaldo sa kanilang mga inaanak tuwing pasko.

Dahil nakasanayan na ito, ang ibang mga magulang na mismo ang nagbibitbit sa kanilang mga anak para magbahay-bahay at mamasko sa kanilang mga ninong at ninang. Pero tila nagbago na ang panahon kung saan masaya ang pagbibigayan tuwing kapaskuhan. Ito ang napansin ng isang nanay na nagpakilala lamang bilang 'Mommy O'.

Ayon sa kanya, ang dating nakatutuwang diwa ng pagbibigayan tuwing kapaskuhan ay tila napalitan na ng pangamba para sa ilang ninong at ninang. Dulot ito ng tensyon na namamagitan sa kanila at ng mga magulang ng kanilang mga inaanak. Ang dahilan? Ang regalo o pamaskong binibigay ng ninong at ninang.

Pero paliwanag ni Mommy O, "Masaya naman talaga ang bata sa kahit anung ibigay mo."

Dagdag pa nya, nagiging tensyonado lang ito gawa ng mga magulang mismo ng kanilang mga inaaanak.

"Ang magulang lang naman ang madalas maraming reklamo." ika nya.

Naglabas din ang netizen ng sama ng loob sa kanyang Facebook post sa pagbabahagi ng tila sarili nyang hindi kaaya-ayang karanasan sa mga inaanak nya. 

"Tatawanan ka pa minsan kapag bente lang binigay mo. Yung mga tingin na "baket eto lang". Minsan tatanungin pa kung anung trabaho mo para lang majustify nila baket ganun yung binigay mo. Imbis na masaya lang ang pasko, nagiging pangamba na sya sa marami. Kasi yung dapat na bukal sa loob na pagbibigay, nagiging obligasyon na." paglalahad ni Mommy O.

Sa kabila nito, hinihikayat nya pa din ang pagbibigayan tuwing pasko kahit ganito na ang naranasan ng ilan. 

"Hindi ko sinasabing, masama ang mamasko. Sa totoo lang, napakasaya ang magbigay at makatanggap lalu na tuwing pasko." paliwanag nya.

Sa puntong ito nya binanggit ang kanyang mensahe sa mga magulang para hindi masira ang diwa ng pagbibigayan.

"Ang point ko is , turuan nating makuntento ang anak natin sa kung anung kayang ibigay ng mga Ninang at Ninong nila. Kasi ang mga bata, mababaw kaligayahan nyan, tumataas lang ang expectation nila kapag ayun yung naririnig o nakikita nila sa magulang nila." sabi ni Mommy O.

Narito ang buong kwento:

Masaya naman talaga ang bata sa kahit anung ibigay mo. Ang magulang lang naman ang madalas maraming reklamo.

Tatawanan ka pa minsan kapag bente lang binigay mo. Yung mga tingin na "baket eto lang". Minsan tatanungin pa kung anung trabaho mo para lang majustify nila baket ganun yung binigay mo. Imbis na masaya lang ang pasko, nagiging pangamba na sya sa marami. Kasi yung dapat na bukal sa loob na pagbibigay, nagiging obligasyon na.

Di ko makakalimutan at nadala ko hanggang pagtanda yung laging sinasabi sa aming magkakapatid ng Nanay at Tatay namin

"Kahit anu pa yan, maliit o malaking presyo, matutong magpasalamat. I appreciate nyo yung bagay na binibigay ng ibang tao"

"Kapag nagbigay, Salamat, Kapag hindi, Ok lang din"

Kaya nakuntento kami. In fact, hindi kami namamasko noong mga bata kami, at nadala ko hanggang ngayon sa anak ko, hindi namin dinadala si Baby O sa mga Ninang at Ninong nya, hindi ko inuubliga ang mga tao para bigyan ang anak ko. Kapag tinatanung kami kung anung gusto ni Baby O, ang isasagot lang namin "kahit ano" "bahala na kayo" Kasi kung anung kaya nilang ibigay, meron man o wala, Okay lang samin.

Hindi ko sinasabing, masama ang mamasko. Sa totoo lang, napakasaya ang magbigay at makatanggap lalu na tuwing pasko. Ang point ko is , turuan nating makuntento ang anak natin sa kung anung kayang ibigay ng mga Ninang at Ninong nila. Kasi ang mga bata, mababaw kaligayahan nyan, tumataas lang ang expectation nila kapag ayun yung naririnig o nakikita nila sa magulang nila.

- Mommy O