Triathletes Jerome and Joshua Nelmida | Photo credit to Instagram/Sunlife Ph |
Ganito ang sitwasyon para sa triathlon twins na sina Jerome at Joshua Nelmida, na ipinanganak na mga bulag, ngunit nakakabilib isipin na hindi ito naging balakid upang abutin nila ang pangarap na lumangoy, mag-bisikleta, tumakbo at maging mga aktibong triathletes.
Triathletes Jerome and Joshua Nelmida | Photo credit to Spin Ph |
"You can reach your dreams through sports. Gusto ko i-encourage iyong mga tulad namin na may disability to try and pursue kahit anong sport na gusto nila, kasi malayo ang puwede nilang marating.", sabi niya.
Ayon kay Ms. Annette Nelmida, ina ng kambal na atleta, sampung taon pa lang ang mga anak noong nakitaan sila ng potensyal sa paglangoy. Dahil dito ipinakita niya ang suporta sa dalawa at hinikayat ang mga anak na ipagpatuloy ang sport activity na ito.
Kwento ni Ms. Annette na hindi naging madali ang pagsisimula ng kambal dahil takot sa tubig ang dalawa dati, ngunit, sinubukan nila at natutuo at doon nagsimula ang hilig sa paglangoy.
The Nelmida brothers with actress Kim Chiu | Photo credit to the owner |
"Takot sila sa water dati," sabi niya.
"Nagkaroon lang ng sports activities sa school nila dati, nag-try sila ng swimming, sobrang takot nila. Pero at the end of the day natuto sila, 'tapos hinanap na ako nung coach at sinabi sa akin na may potential iyung dalawa. Doon nag-start." kwento ng ina ng kambal.
Ipinagmalaki din niyang ibinahagi na bawat taon ay humuhusay sa naturang sport ang dalawa, bagay na ikinatuwa nilang mag-asawa dahil hindi naging hadlang sa kambal ang kapansanan upang gawin ang mga hilig nito.
"Every year, may improvement. All-out support talaga kami ng husband ko. Lahat ng puwede kong ipagawa sa kanila pinapagawa ko kasi gusto ko ma-experience nila kung paano, na hindi hindrance iyung blindness nila." ani Anette.
Ikinuwento din ni Ms. Annette na si Anthony Lozada ng Bert Lozada Swimming School ang nagpakilala at nagturo sa mga anak sa triathlon.
Triathletes Jerome and Joshua Nelmida | Photo credit to ABS-CBN |
Ayon kay Ms. Annette, si Lozada ang nagturo sa mga anak sa pagbibisikleta at pagtakbo.
"Na-meet namin si Coach Anthony. Siya iyong nagpakilala ng triathlon", sabi niya.
"Swimming coach siya 'tapos nag-trust ako sa kanya kasi tinuruan niya sila mag-bike-single bike muna 'tapos tandem bike, 'tapos running, aquathlon, duathlon, triathlon.", dagdag ni Anette.
Kwento naman ng kambal na triathlete na inspirasyon nila ang mga paboritong atleta sa ibang larangan ng sports tulad ng basketball.
Sabi ni Jerome, "Favorite team ko nga sa PBA Ginebra San Miguel. Idol ko sila Scottie Thompson at LA Tenorio. Sila iyung nagiging inspirasyon ko, naming mga atleta, nai-inspire ako sa galing nila at mas nagpupursige pa ako mag-training."
Triathletes Jerome and Joshua Nelmida | Photo credit to Chalk Ph |
"Ako naman favorite ko San Miguel Beermen, lalo si June Mar Fajardo, minsan naiisip namin na sana makita nila kami and mapanood kung paano mag-triathlon ang mga blind," sabi ni Joshua.
Hiling din ng magkapatid na sana ay suportahan sila ng mga idolo tulad ng pagsuporta nila sa mga ito.
"Hopefully i-support kasi as Team Philippines, just like how we support them.", dagdag niya.
Ang 19-taong-gulang na kambal ay naghahanda na din diumano upang kumatawan sa Pilipinas sa ASEAN Paragames 2020 triathlon event.
Dito ibinahagi ni Jerome na malaking karangalan para sa kanilang magkapatid na katawanin ang bansa.
"Malaking karangalan sa'min, win or lose, to have represented our country, and very glad that we represent the PH in every race.", masayang pahayag ni Jerome.
Source: Spin Ph