Larawan mula sa ptama |
Nakakabilib ang ipinamalas na determinasyon, tiyaga at lakas ng loob ng isa nating kababayan na Aeta mula sa Tarlac, matapos hindi mawalan ng pag-asa upang makapasa sa Licensure Examination for Teacher (LET).
“Try and try until you succeed,” tila ito ang naging motto ng gurong si Gennie Victoria Panguelo matapos niyang maipasa ang LET sa ika-25 beses na pagkuha ng exam at kasalukuyan ng nag-aaral upang magkaroon ng doctoral degree.
Sa isang video na ini-upload ni Dr. Willie Ong at Dr. Lisa sa Facebook, ibinahagi nito ang kahanga-hangang ipinakitang pagsisikap ni teacher Panguelo.
Ayon sa kwento ni teacher Panguelo, natapos siya ng pag-aaral taong 1987 at agad siyang nagturo sa kapwa niya Aeta dahil sa mga panahong iyon ay hindi pa ganoon kahigpit ang gobyerno kung kaya naman pinapahintulutang magturo ang mga guro kahit hindi pa nila naipapasa ang LET.
Larawan mula sa Buhay Teacher |
Umabot ng taong 2010 ay mas naging mahigpit ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas para sa lisensya ng mga guro bilang isang requirements para makapagturo sa mga paaralan.
“Sinasabi nila matanda ka na, ‘di ka pa pumapasa. Ano ba ‘yan, maputi na ang buhok mo, ‘di ka pa rin nakapasa,” ani Teacher Gennie.
Sa kabila ng pangmamaliit at pang-iinsulto na kanyang naramdaman, hindi parin sumuko si teacher Panguelo, bagkus ay lalo pa itong nagpursigi upang makakuha ng lisensya para makapagturo.
Taong 2016, sa kanyang ika-dalawampu’t limang (25) beses na pagkuha ng pagsusulit ay sa wakas ipinagkaloob na din sakanya ang matagal na niyang minimithi para makapasa sa pagsusulit sa LET.
Hinikayat naman ni teacher Panguelo ang ibang nais maging isang lisensyadong guro na huwag mawalan ng pag-asa at lalo pang magsumikap upang makakuha ng LET.
Hinikayat naman ni teacher Panguelo ang ibang nais maging isang lisensyadong guro na huwag mawalan ng pag-asa at lalo pang magsumikap upang makakuha ng LET.
Larawan mula kay Doc Willie |
“Kapag bumagsak, bumangon ulit. Kasi hindi lang nakukuha sa isang pagkakataon, kailangan natin ng tunay sa loob, sinseridad, at pagtitiyaga,” dagdag pa niya.
Sa ngayon ay ipinagpapatuloy parin ni teacher Panguelo ang pagtuturo sa mga batang Aeta sa Tarukan Elementary School sa Tarlac.
Talaga nga namang kahanga-hanga ang ipinakitang determinasyon ni teacher Panguelo na makapasa at maging isang ganap na guro.
****