Driver na nasiraan sa daan, trending matapos hulihin at pagmultahin ng illegal parking - The Daily Sentry


Driver na nasiraan sa daan, trending matapos hulihin at pagmultahin ng illegal parking



Larawan kuha mula sa post ni Nazkie Jo

Mas pinaigting ng mga kawani ng ahensya ng gobyerno ang tama at maayos na pagpapatupad ng mga batas trapiko na naglalayong makatulong maibsan ang matinding trapiko at pagka disgrasya sa daan at maisatupad ang kaayusan sa lahat ng lansangan.

Kasabay nito ang pagnanais na sugpuin ang ibang mga mapang-abusong mga Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers.


Katulad nalang sa naging karanasan ng isang nagmamay-ari ng isang sirang motor na nakaparada sa tabi ng daan kung saan hinuli siya at binigyan ng ticket violation dahil sa ito'y 'illegal parking'.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Nazkie Jo ang dalawang taga MMDa traffic enforcers na hawak-hawak ang ticket na siyang sinusulatan upang ibigay sa nag-mamayari ng sirang motor na walang gulong at kasalukuyang inaayos sa gilid ng kalsada.

Larawan kuha mula sa post ni Nazkie Jo


"Pasikatin po ntin 2ng dalawang to. Indi m alam kung mkatao pba ung mga ginagawa nla s mga mu2rista e..biruin m titikitan k ng walang dahilan. ang dahlan nla illegal parking daw e nkita nman nyang walang gulong ung hulihan," saad niya.

"Nabutasan kna hinule kpa ng mga gung~gong n tauhan ng mmda. Cge nga patakbhn m ung mu2r ng walang gulong..dapat s inyo tinatanggal," dagdag niya.

Umani ang kanyang naturang post ng atensyon mula sa mga netizen na nakaranas din ng di-umano hindi tamang paghuli mula sa mga traffic enforcers at kinondena ang naging aksyon ng mga ito:


 "Sa NLEX naputulan aqo ng accelarator cable medyo naitabi qo pero kaya qo namang ayucin ang cable,,pero sa halip na etow yong sasakyan qo binigyan aqo ng tym ng highway police na ayucin tas tumulong p cila,,dapat ganun," - Andy Mandilag

Larawan kuha mula sa post ni Nazkie Jo


"Kami din naticketan nung araw na sinugod ako ng asawa ko sa emergency ng las pinas dahil nga emergency pinark nya ung motor nya sa tapat ng ospital. grabe mga walang puso di nakakaintindi emergency," - Gerralyn Rodriguez

"This is emergrncy un aboidable circumstances,hindi naka harang to cause obstruction,kulang sa aral at makataong ugali ang mga ito ,dapat alisin ito sa tungkulin ito and sumisira sa imahi ng mmda," - Yolly Capili

"Mga buraot mga yan.. Dapat linisin nyu n hanay ng mmda.. Daming sakim tlga dyan," - Joey Florentino Sr. 


***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!