Filipino Surfer Sinakripisyo ang Gold Medal upang Mailigtas ang Katunggali sa Pagkalunod - The Daily Sentry


Filipino Surfer Sinakripisyo ang Gold Medal upang Mailigtas ang Katunggali sa Pagkalunod



Filipino surfer Roger Casugay | Photo credit to his Facebook account
Ang pambato ng Team Philippines na maiuwi ang ginto sa 2019 SEA Games surfing event ay walang iba kundi si Roger Casugay, isa sa pinakamagaling na surfer ng bansa.

Sinasabing napakalakas ng tiyansa na maiuwi ni Casugay ang gold medal sapagkat higit sa ito ay tubong La Union, sobang pamilyar na din siya sa Mona Liza’s point, isang tanyag na lugar sa pag-surf at siya ding pagdarausan ng SEAG competition.






Filipino surfer Roger Casugay | Photo credit to his Facebook account
Ngunit, hindi ginamit ni Casugay ang kanyang malaking kalamangan o ambisyong makamit ang gintong medalya sa pagkakataong ito sapagkat isinakripisyo niya ang kanyang sariling mithiin upang mailigtas ang kanyang katunggali, ang Indonesian longboard sensation na si Arip Nurhidayat.

Ayon sa saksi na si Jefferson Ganuelas, iniligtas ni Casugay ang kalabang Indonesian athlete sa gitna ng men's long board competition sa surfing. Natanggal ang tali sa surfboard ni Nurhidayat at natangay ng malakas na alon. Tumigil si Casugay sa pagsu-surf para sagipin ang kapwa atleta kahit na gintong medalya ang kanilang pinag-lalabanan.

"The #seagames2019 surfing is on hold. Indonesian longboard sensation @mencosss broke his leash and swept away and being pounded by triple overhead bomb waves at monaliza pt. Local surfer @roger_casugay rescued him not minding the ongoing race for gold medal. #pilipinoheart is soooo goood!!! ", ani Ganuelas.







Screenshot of Ganuelas' post | Photo credit to his Facebook account
Dagdag pa niya, mabilis na dumating si Casugay upang tulungan si Nurhidayat at matiyak ang kaligtasan nito. Dahil dito, ipinagpaliban muna ang kompetisyon at inaantay ang bagong schedule.

Ang kaganapang iyon ay ibinahagi ni Ganuelas sa kanyang Facebook post na sadyang umani ng papuri para sa atletang Pinoy na si Casugay. Sa kabutihang palad, ang parehong atleta ay ligtas na diumano sa anumang pinsala sa kabila ng malubhang sitwasyon.

Tunay nga naman at nakakabilib ang mga atletang Pilipino ng bansa. #WeWinAsOne motto ng 30th SEA Games ay sadyang hindi lamang sa Team Philippines kundi sa buong rehiyon ng ASEAN.

Kami po sa The News Spy ay sadyang humahanga st sumasaludo sa lahat ng atletang Pilipino sa pagpapatunay na ang karangalan ng isang mabuting manlalaro ay ang pagkakaroon ng pusong tumulong at sumuporta sa kapwa, ito ay mas mahalaga kaysa sa anumang gintong medalya.






Source: Jefferson Ganuelas, News5