Misis, mas nakabuti umano sa kanilang mag-asawa ang pag-unfriend niya kay mister sa FB - The Daily Sentry


Misis, mas nakabuti umano sa kanilang mag-asawa ang pag-unfriend niya kay mister sa FB



Larawan mula kay Nicole Joanne Meilat
Nag-viral sa social media ang post ni Nicole Joanne Meilat matapos niyang ibahagi ang dahilan kung bakit niya in-unfriend sa Facebook ang kanyang asawa.

Ayon kasi kay Nicole, napansin niya na sa tuwing magshi-share at i-tatag niya ang kanyang mister sa mga post na sa tingin nito ay makakatulong sa kanila ay ni minsan walang reaksyon o hindi man lang ito binabasa ng kanyang mister.

Ngunit aniya, kapag ang mga kaibigan nito ang nagbabahagi ng kanilang post kahit wala naman katuturan ay mabilis itong nagla-like at nagkokomento pa ito sa comment section.

Dahil dito ay nasaktan si Nicole at naisipan na i-unfriend na lamang ang kanyang asawa sa Facebook.
Larawan mula kay Nicole Joanne Meilat
Pero sa ginawang desisyong ito ni Nicole, aniya ay nagdulot pa ito ng magandang epekto sa kanilang relasyon at madami siyang bagay na naunawaan sa kanyang naging desisyon. 

"And narealize ko sobrang unhealthy ng Social Media sa magpartner kailangan scripted dahil alam mong may ibang nakakabasa. Yung tipong pag nag i love you ka, kailangan may mag i love you too. Ganon kastressful haha!" ayon kay Nicole.

Napagtanto din ni Nicole na sa naging desisyon niya ay mas lalong napabuti ang kanilang relasyon mag-asawa kung saan ay mas madalas na sila nagkaka-usap at magandang komunikasyon ng mister. 
Larawan mula kay Nicole Joanne Meilat
Larawan mula kay Nicole Joanne Meilat
Larawan mula kay Nicole Joanne Meilat
"To cut the story short, mas naging intimate yung relationship namin kasi parang may namimiss kami lagi sa isaít isa kahit magkasama na kami sa iisang bubong" ayon kay Nicole.

Madaming netizens naman ang naka-relate sa naging post ni Nicole kung kaya mabilis itong kumalat at nagkaroon ng madaming komento at reaksyon sa social media.

Basahin ang buong Facebook post ni Nicole sa ibaba:

"Sharing my reason why I unfriended my husband on facebook. 

"Why? Sabi nga nila "What you don't know won't hurt you". Sometimes men are insensitive, One time nung friend pa kami sa facebook I used to tag him sa almost everything na I think useful and informative but to tell you wala ni isa sa tinag ko ang binasa niya. 

"Even sweet wall post or tagged family photos dedma siya. You know What hurt my feelings the most, kapag sa post ng iba or sa non-sense na bagay kahit hindi siya nakatag pustahan makikita mo may comment siya #Coolkid. Hahaha!

 

"Feeling niya nakakairita yung mga tinatag ko sakanya. (Which is true, ngayon ko lang narealize)"

"Ngayon na we are no longer connected sa social media. We started to have long conversation at home. Yung gsto niya i-tag sakin sinasabi na niya sakin personally. Kahit na nakatira kami in one roof at almost 24/7 magkasama meron paring mga bagay na hindi mo alam kaya mas nagkaron tuloy kami ng mga bagay na mapagkekwentuhan personally. At higit sa lahat WALA NA KAMING PAKIALAMANAN ng posts kagaya neto. 

"To cut the story short, mas naging intimate yung relationship namin kasi parang may namimiss kami lagi sa isa't isa kahit magkasama na kami sa iisang bubong. 

"P.s Just sharing how toxic I am nung friend ko siya tapos automatic tinatag mo siya dahil wala namang ibang applicable, tapos you will get dedma. You get served what you deserve! Still Not accepting."

****

Source: kami.com.ph