Misis inabandona ang matandang may kapansanang Mister, matapos pinangakuan ng trabaho sa Maynila - The Daily Sentry


Misis inabandona ang matandang may kapansanang Mister, matapos pinangakuan ng trabaho sa Maynila



Larawan kuha mula sa post ni Reyna Sinangote Lamis

Nagviral sa social media ang Facebook post ng isang netizen na nag bahagi ng kuha niyang video tungkol sa isang matandang lalake na iniwan di-umano ng kaniyang asawa sa labas ng isang sikat na Mall sa Cubao.

Ayon sa post ni Reyna Sinangote Lamis, nakita niya at ng mga iba pang concern citizen si Tatay Junior na umiiyak sa labas ng Gateway Mall.

Napag-alaman din nilang nagmula pa ng Tacloban City, Leyte si Tatay Junior kasama ang misis niya na pinangakuan daw siyang ipapasok sana ng trabaho sa manukan ng kaniyang asawa ngunit iniwan lang siya sa may Cubao QC.


"Sabi ni tatay, dumating sila ngayong araw ng 4:00am December 15, 2019 sa cubao, ipapasok daw sana si tatay sa manukan ng kanyang asawa dito sa maynila kaso ina band0n xa sa gateway cubao," saad ni Reyna.

Larawan kuha mula sa post ni Reyna Sinangote Lamis

Makikita sa video na hirap silang makakuha ng impormasyon at ng mga karagdagang detalye upang matulungan sana nila ang matanda dahil hirap at 'di klaro ito kung magsalita marahil dahil na rin sa umiiyak ito.

Nanawagan din si Reyna na sana ay may makatulong kay Tatay Junior na huli nilang nakita sa may Jesus Christ Church besides National book store baba ng Gateway Mall Cubao.

Ngunit nang balikan niya si Tatay Junior ay wala na ito doon at ayon sa missionaries ng simbahan ay nagpupumilit itong umalis.

"Binalikan ko po ung lugar kung saan sya pinatigil pansamantala, naka usap ko po ang isa sa mga missionar1es ng nasabing church, ang sabi po nya na nag pupumilit daw na umalis c tatay junior," saad ni Reyna.

Bigo din daw ang naturang simbahan na makahingi ng tulong mula sa ahensiya ng mga Pulis sa Quezon City upang doon sana maisurrender ang matanda.

Larawan kuha mula sa post ni Reyna Sinangote Lamis

Dagdag pa ni Reyna, marami sanang gustong magpapaabot ng tulong para makauwi na si Tatay Junior sa kanilang probinsya ngunit walang may alam kung nasaan man siya nagyon.


Narito ang kanyang buong post: 

panawagan po kung sino man ang nakakakilala kay tatay kawawa naman po xa, ina band0na dw xa ng kanyang misis. galing dw po sila sa tacloban city leyte. 


sabi ni tatay, dumating sila ngayong araw ng 4:00am December 15, 2019 sa cubao, ipapasok daw sana si tatay sa manukan ng kanyang asawa dito sa maynila kaso ina band0n xa sa gateway cubao. Junior daw po pangalan nya. si tatay junior po is a person w1th disabil!ty. 

sana po matulungan xa, kasalukuyan ngaun nasa Jesus Christ Church siya besides National book store Cubao baba ng gateway. kawawa naman po iyak ng iyak si tatay😭😭😭 please share


Ito ang Update ni Reyna tungkol kay Tatay Junior: 

salamat po sa mga concern kay tatay junior, sa mga nagtatanong kung nasan po xa , binalikan ko po ung lugar kung saan sya pinatigil pansamantala, naka usap ko po ang isa sa mga missi0nar1es ng nasabing church, ang sabi po nya na nag pupumilit daw na umalis c tatay junior. 

at hindi na nila ito pinigilan at hinayaang nalang nila itong umalis. sa katunayan sinabi nila na nag tawag sila ng pol1ce sampung minuto po nilang inantay ang problema ay wala ni isa raw na PNP QC representative ang pumunta sa kanilang simbahan upang sana ay e surr3nder at mabigyan ng tulong si tatay junior. 

sa ngayon ay walang nakakaalam kung nasaan si tatay junior, kanya lamang ako bumalik sa lokasyon kung saan huli kung nakita si tatay junior sa kadahilanang marami ang gustong mag bigay ng tulong at para sana siya ay makauwi na ng probinsya dahil sa pag aabanduna nito ng kanyang misis. 


sa kasamaang palad ay wala na sya doon at walang nakakaalam kung nasaan na sya ngaun.

***

Source: Reyna Sinangote Lamis

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!