Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng isang foreigner at kanyang anak na palaboy-laboy sa kalsada. Iniwan umano ang foreigner ng kanyang Pinay na kinakasama.
Imahe mula sa Facebook post ni Jhoanna Villena Clapano
Sa Facebook post ni Jhoanna Villena Clapano, nanawagan ito sa mga netizen na tulungan ang mag-ama dahil wala itong matuluyan at makain.
Ayon kay Clapano, marami raw sugat ang foreigner dahil sinasaktan din umano siya ng kanyang kinakasama.
Imahe mula sa Facebook post ni Jhoanna Villena Clapano
Sa isa pang Facebook post ng netizen na si Alyana Dalisay, pinangalanan ang foreigner na si Jesse mula sa Pennsylvenia, USA. Apat na taon na umano ito pabalik-balik sa Pilipinas.
Napag-alaman rin na may sakit palang mental disorder (dual personality) ang kanyang kinakasama. Sinasaktan din umano nito ang kanilang anak.
Narito ang buong post ni Dalisay:
“Dear SANTA ..
Kung totoo ka man oh Hindi Sana ngayong pasko ma grant mo itong wish ko 😔😔.
Sana may mga taong bukas ang puso na tulungan si sir at ang kanyang anak. At sana makarating ito k sir RAFFYTULFOINACTION 😔😔😔
Imahe mula sa Facebook post ni Alyana Dalisay
PLEASE PO PAKI SHARE NYO PARA MATULUNGAN SI SIR AT ANG KANYANG ANAK 😔😔 ..
sa mga kaibigan nating nag abang, Follow up po mga boss!
talaga po naman nakakadurog ng puso ang makita silang mag ama. Di pa kumakain at bakas sa mukha nila ang pagod, gutom at hapo. Sakawalan ng pera ay nag lakad lamang anag mag ama papunta sa lugar na ito. kapwa madudumi ang buong katawan, at yung tatay ay may sukat pa sa paa at dumudugo.
marahil naisip nyo bakit di sila pumunta sa DSWD at doon mag palipas ng gabi. Kaibigan na itanong ko din yan kay Jesse at nalungkot ako sa mga narinig ko.
Si Jesse ay tiga Pensylvenia USA, apat na taon na sya pabalik balik dito sa Pinas at may anak na 4 na taong gulang. Sya noon ay may kinakasamang Pinay at di nag laon ay nag hiwalay sila dahil may sakit ang kanyang kinakasama at na diagnosed ng mental disorder ( dual personality disorder). Minsan sa kanyang pag balik galing amerika ay bumungad sa kanya ang kalagayan ng anak nyang babae na puro sugat at pasa dahil sa kondisyon ng kanyang live in partner ay minabuti nyang mag file ng sole custody sa bata at legal seperation, para sa ikakabuto ng kanyang anak.
bakit di sya pumunta sa US EMBASSY?
Imahe mula sa Facebook post ni Alyana Dalisay
tingin mo ba hindi nya naisip yan? sino mang dayuhan ay maiisip na unanh humingi ng tulong sa kanyang embahada, pero eto daw ang tugon sa kanya ng kanilang ahensya .
1. hindi nya maaring madala ang apat na taon nyang anak dahil mali ang pamamaraan ng DSWD sa pag gagawad sa kanya ng sole custody sa anak nya. kapag pinilit nya kakasuhan sya ng illegal human trafficking!
ps. naka pirma sya sa birth cert ng bata!
2. kapag iniwan nya anak nya, kakasuhan pa rin sya, child abandonment at di na ma'amng maka balik pa dito.
Imahe mula sa Facebook post ni Alyana Dalisay
Imahe mula sa Facebook post ni Alyana Dalisay
binigyan naman sya ng choice ang kumuwa ng PH CITIZENSHIP! para matulungan daw sya ng mga government / public offices ng ating bansa kung saan di rin sya puwede kumuwa ng certificate of indigency kung hindi Idedeport sya!
Hindi nya kayang iwan ang anak nya. Kahit ong mangyari hindi nya iiwan yung anak nya!
May pobya na rin sya sa pulis pati na ang kayang anak dahil na rin sa maraming beses na syang nakaranas ng masasamang experienced sa pag hingi ng tulong mula sa mga ito. Maaaninag mo sa kanyang mukha at boses ang depression gawa ng mga nangyayari sa buhay nya, gayun pa man saludo ako sa determinasyon at pag mamahal nya para sa anak nya. Hindi nya kayang iwan ang nag iisa nyang anak at mamuhay ng maramgya sa estados unidos.
Imahe mula sa Facebook post ni Alyana Dalisay
Imahe mula sa Facebook post ni Alyana Dalisay
sya ay insulin dependent din at araw araw nag i-insulin dahil sya ay diabetic. Walang pamilya o kakilala dito.
sa kasalukuyan, sya ay walang matinong tirahan , nasa maynila ngayon upang mag follow up sa kanyang estado sa ating banda.
wala po silang maayos na mga damit at gamit. ako po ay kumakatok sa na baka matulungan nyo rin po sila lalo na po yung bata. kung meron po kayong coloring materials , coloring book, damit na maayos para sa 4-5 years old, relief goods ay baka naman po puwede natin silang matulungan.sa rider ko kanina na super bait, kuya di sana ako nag popost kasi ayaw ko nag popost kapag tumutulong.
salamat sa Photos JunCele Villahermosa
thanks!"
***