Karma is real! Ito ang mga salitang unang nasabi ng isang babae sa kanyang Facebook post.
Nai-post ng netizen na si Robby Anne Magno ang kanyang sama ng loob sa mga kalalakihan kasunod ng kanilang engkwentro sa mga ito habang nasa daan.
Ayon kay Magno, nagsimula umano ang 'pang didirty finger at pagtawa tawa' ng mga kalalakihan sa kanila ng mga kasama nya matapos mabusinahan ng kanyang kapatid ang mga lalaki ng isang beses.
Ginawa raw ito ng kapatid ng netizen dahil sa panggigitgit ng mga di kilalang lalaki sa kanila at biglang pagpapalit ng linya o swerving nang wala man lang signal.
Ngunit tila totoo ang kasabihang 'digital ang karma'. Dahil matapos bumitaw ang driver na lalaki sa manibela kanilang sasakyan upang makapag-dirty finger pa ng mas maigi (base sa makikita sa video), ay bigla itong nabangga.
Panuorin at basahin ang post ng netizen:
KARMA IS REAL 🤣
Yung ang lakas ng trip nila sa pang didirty finger at pagtawa tawa samin dahil lang sa nabusinahan sila ng isang beses ng kapatid ko dahil sa panggigitgit at biglang pagpapalit ng linya na wala man lang signal.
Ayan! Anong napala nyo? Effort pa na bitawan yung manibela makapang f*ck u lang samin gamit dalawang kamay eh. Babagalan pa talaga nila kahit umiiwas na kaming madikitan sila para iwas gulo. Ayan. 🤣 Bunggo ka tuloy 🤦♀️
Okay din talaga yung di mo papatulan sa daan yung mga ganyang siga. Karma mismo ang lalapit sakanila. 🤦♀️🤦♀️