Bulag na matanda, hinahayaan lang ng kanyang mga anak manlimos at maghanap-buhay - The Daily Sentry


Bulag na matanda, hinahayaan lang ng kanyang mga anak manlimos at maghanap-buhay



Mga larawan kuha mula sa post ni Jhan Reblando 

Lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo ay handang suungin ng mga magulang lalo na ng mga Nanay maibigay lang ang lahat ng pangangailangan at ang nag-uumapaw na pag-aaruga nila para sa kanilang mga anak.

Kung kaya't halos lahat ng mga anak ay gagawin din ang lahat masuklian lang ang pagmamahal at pagpapalaki ng kanilang mga magulang.

Ngunit tila baligtad ang naranasan ng isang Nanay na nag-viral mula sa post ni Jham Reblando, kung saan kahit pa sa katandaan nito at kapansanan ay nag ikot-ikot ito sa mga lansangan upang manghingi ng kaunting tulong para sa kanila ng mga malalaki na niyang mga anak.


Ayon sa post ni Reblando, isang motorista, nakita niyang tumatawid ang isang matanda sa kalsada na siyang naging dahilan ng pagbagal ng takbo ng mga sasakyan kaya binaba niya ito at inalalayan hanggang sa makatawid.

Larawan kuha mula sa post ni Jhan Reblando 


Doon niya na nakita na nakapikit ang dalawang mata ng matanda at tanging dilim lang pala ang nakikita nito.
 
"Kaya pala ang bagal umandar dahil kay nanay. Mangiyak ngiyak ako ng lapitan ko ang lola at ng maaninagan ko ang mukha nya nakapikit ang dalawa nyang mata . Tanging dilim lang ang nakikita nya," saad niya.

Nanghihingi-hingi ang matanda ng pambili ng bigas nilang mag-ina. Meron itong dalawang anak babae at lalake na kapwa malalaki na, na ayon sa matanda pera lang ang gusto.


"Tinanong ko ulit si nanay kung bakit di sya sinasamahan ng anak nya. Ang tanging sinabi nya ay "ang gusto lang nila pera" ipinatago ko sakanya ang perang binigay ko kc malamang kukunin lang ng anak nya yun . Pambili nya ng bigas dahil un ang hiniling nya," salaysay niya sa kaniyang Facebook post

Larawan kuha mula sa post ni Jhan Reblando

"Ng matunton ko ang looban tinanong ko kung taga doon ba si nanay at sumagot ang mga tao oo daw at isa pala s mga anak nya ang napagtanungan ko s may tindahan may hawak na delata," dagdag ni Reblando.


Narito ang kaniyang buong kwento: 

Pls share iparating kay idol raffy..

Habang binabaybay ko ang cubao 14th ave. Para mag paayos ng motor nakasalubong ko ang isang kotse na dahan dahang umaandar sa gitna ng kalsada, tumabi ako para hintaying makalagpas ang kotse pero natanaw ko ang isang maliit na matanda na walang tungkod o kahoy na hawak. 

Sobrang bagal nya at ika ika sya maglakad agad akong bumaba para akayin sya papunta s gilid para makadaan na ang kotse. Kaya pala ang bagal umandar dahil kay nanay. 

Mangiyak ngiyak ako ng lapitan ko ang lola at ng maaninagan ko ang mukha nya nakapikit ang dalawa nyang mata . Tanging dilim lang ang nakikita nya . Itinabi ko sya at tinanong kung taga saan. Sa looban daw sya ng 14th ave. 

Iniwan ko sya s gilid dahil may umakay na lalaki. Umalis nako at dumaan sa isang bakery at binilhan ko sya ng pagkain at dali dali akong bumalik s matanda. Sabi ko s isip ko sana nandun pa si lola. At naabutan ko pa sya naglalakad nnmn mag isa bumaba na ko s motor ko at inalalayan ko n sya pauwi sakanila . 


Kinuha ko ang sako nya para buhatin pero ayaw nya. Tinanong ko kung san sya galing, sabi nya sa mercury daw. Tinanong ko kung anong ginagawa nya dun at bakit sya nandun sabi nya namamalimos daw sya. 

Binigay ko ang pagkain at pera dahil nanghihingi sya ng pambili bigas. Tanong ko nasaan ang kasama nya. Sabi nya nasa bahay may anak sya lalaki at babae. 

Tinanong ko ulit si nanay kung bakit di sya sinasamahan ng anak nya. Ang tanging sinabi nya ay "ang gusto lang nila pera" ipinatago ko sakanya ang perang binigay ko kc malamang kukunin lang ng anak nya yun . Pambili nya ng bigas dahil un ang hiniling nya. 

Ng matunton ko ang looban tinanong ko kung taga doon ba si nanay at sumagot ang mga tao oo daw at isa pala s mga anak nya ang napagtanungan ko s may tindahan may hawak na delata. Ang nasa isip ko bakit nyo pinabayaan ang magulang nyo kayo kakain na pero sya nakakain na ba? 

Pero dko masabi dahil sino ba ako para kwestyunin sila. Pero kayo na humusga 😭 at pagkatapos nun tumulo luha ko buti naka helmet ako at sobrang sakit ng puso ko ng iwanan ko n si lola s kamay nila.

Kung sino man ang nakakakilala kay nanay o namumukhaan sya na wala ng makita at di nya alam kung saan na sya dumadaan tulungan po natin. Maaari syang masagasaan o mapahamak. Sana matulungan ni idol raffy.


May mga anak na naaatim na pabayaan ang magulang nila. Bulag na at mag-isa sa kalsada naglalakad s kawalan makauwi lang sa sakanila. Di ko alam kung pano pa nya nababaybay ang 14ave. papunta s looban.

SANA SA MGA ANAK NA KASAMA PA ANG MGA MAGULANG ALAGAAN HINDI YUNG PINAG TATRABAHO PA KAHIT MATANDA NA.

Source: Jham Reblando

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!