Bayaning Aso, hindi iniwan ang may kapansanang Amo habang tulak-tulak ang wheel-chair nito - The Daily Sentry


Bayaning Aso, hindi iniwan ang may kapansanang Amo habang tulak-tulak ang wheel-chair nito



Larawan kuha mula sa post ni Krizzia Aurelio

Karaniwan na sa mga tahanan nating mga pamilyang Pilipino ang may mga inaalagaang mga hayop, at kadalasan sa mga ito ay ang mga Aso. Madalas din silang tawaging si Bantay, dahil sila ang nagbabantay at naiiwan sa bahay sa mga oras na ang mga amo ay wala, o nasa mga oras na mahimbing na natutulog.

Sila ang gising at nagsisilbing guwardiya ng ating mga tahanan at higit sa lahat sila ang tinaguriang Man's Best friends.


Tulad nalang ng nagviral na larawan na pinost ni Krizzia Aurelio kuha ang isang aso sa gitna ng kalsada at tirik na araw, tulak-tulak ng ulo niya ang amo nito na may kapansanan at naka-wheelchair.

Larawan kuha mula sa post ni Krizzia Aurelio

Larawan kuha mula sa post ni Krizzia Aurelio

"Saw them at the street,"

"It really melt my heart😍💕,"

"Kudos to this dog🐕👏,"


Nakakamangha at tunay na nakakadurog ng puso ang mga nasa larawan. Nakakalungkot lang isipin na may ibang mga tao na walang awa silang sinasaktan at napapabayaan lang.

***

Source: Krizzia Aurelio

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!