Mang Inasal Boy, itinaguyod ang pag-aaral ng GF, Nagtapos na Cum Laude - The Daily Sentry


Mang Inasal Boy, itinaguyod ang pag-aaral ng GF, Nagtapos na Cum Laude



Larawan mula kay RM De Martin
Isang kwento ng magkasintahan ang pumukaw ng atensyon sa social media matapos nilang patunayan na hindi hadlang ang kahirapan sa buhay basta mayroong sipag at tiyaga ay maaabot din ang tagumpay.

Tunghayan ang kwento ng magkasintahan na sina Blessy Parreño at nobyo nitong si RM De Martin na isang inspirasyon para sa lahat ng estudyante o magkasintahan na sabay nagsumikap para sa pangarap.

Viral sa social media ang post ni Blessy kung saan ay inilahad nito ang hirap na kanilang dinanas ng nobyo para lamang makapagtapos siya sa kolehiyo.


Ayon kay Blessy, nagsikap ang kanyang nobyo na si Martin sa kanyang trabaho na naging construction worker, cook, at ngayon ay OIC na ng Mang Inasal para lang matulungan siyang makapagtapos sa kanyang pagaaral.

Dahil sa mga ipinamalas na sakripisyo ni Martin para mapag-aral ang nobya, nagsumikap naman si Blessy upang suklian ang nobyo kung kaya naman nakapagtapos ito bilang Cum Laude sa Capiz State University.
Larawan mula kay Blessy Parreño
Kwento ni Blessy, hindi naging madali ang pagsubok na kanilang tinahak dahil madaming nanlait at minaliit lamang ng ibang tao ang istado ng buhay ng kanyang nobyo.

Ganunpaman, kahit na high school graduate lang ang kanyang nobyo ay proud siya rito dahil itinaguyod nito ang kanyang pag-aaral ng apat na taon.

“Para sa FUTURE, para sa lahat ng mapanghusga, para sa mga mapagmataas, para sa mga taong walng ginawa kundi mang Down. Para sa inyo ang pagsisikap naming dalawa,” saad ni Blessy.

Basahin sa ibaba ang buong post ni Bessy:

“Manughakot humay, Construction Worker, Cook, at naging OIC Mang Inasal NaKAPAGPATAPOS NG CUM LAUDE👏👏

“Hindi KO ikinakahiyang highschool graduate ka, di marunong mag English at taga-uma 👍👍✌

“Oo ganyan ka kababa sa paningin ng iba, pero di nila alam kung gaano kami ka proud sa narating mo.

“#2019- ISANG MANG-INASAL BOY, NATULUNGANG MAKAPAGTAPOS ANG TAONG MAHAL NIYA.
Larawan mula kay Blessy Parreño
“Opoh, tama kayo ng pagkakabasa, isang simpleng lalaki naitaguyod ng apat na taon (AKO).

“Nagtiis kmi pareho, nagsikap at pinagtiyagaan ang lahat ng bagay na meron kami.

“Mahirap??? Oo sobra, maraming chismiz, negative thoughts at panghuhusga.. Kesyo iiwan ka rin nyan pagkagraduate niya, bakit ka maghihirap dyan eh di muyan kaano ano.

“Ilang beses Kong kinapalan ang aking mukha. Nilakasan ang aking loob. At sa awa ng Diyos, nalampasan namin ang lahat.

“Isang taos pusong pasasalamat, Sayo RM De Martin kung wala ka, wala rin akong mararating. Nandito ako, umasa kang, Hindi ka iiwan at susuklian ang lahat ng iyong paghihirap. 💕💕👍

“Hindi ako humahangad ng magarang buhay, sapat na sa aking makasama ka at maging masaya kapiling ka. Umasa kang susuklian KO ang lahat ng ginawa ninyo. 👌👌


“Para sa FUTURE, para sa lahat ng mapanghusga, para sa mga mapagmataas, para sa mga taong walng ginawa kundi mang Down. 👊👊👊

“Para sa inyo ang pagsisikap naming dalawa.
Larawan mula kay Blessy Parreño
“Sayo Boy2x, KAYA NATIN TO, MAHAL NA MAHAL KITA.💖💖

“#At sa lahat ng mga nakakabasa, lahat ng batang pinapaaral, sanay huwag sayangin ang paghihirap ng inyong mahal sa buhay, laging tatandaan na ang lahat ay may mabuting dulot kapag sinamahan ng pagsisikap, pagtitiis, pagtitiyaga at higit sa lahat ay pananalig sa Poong may likha. Sabay sabay nating ipagmalaki at pasalamatan ang lahat ng taong naging parte ng ating buhay at tagumpay.👍👍😘😘

“#MARAMING SALAMAT PO.👏👏💕👍

****