Photo credit to Philippine Star |
Ang pangyayaring iyon ay muntik ng maging dahilan ng pagkawala ng trabaho ng nasabing guro.
Hindi maiiwasan na mayroon talagang mga oras na kailangang disiplinahin ang mga mag-aaral sa loob ng paaralan, lalo na kapag ang bata ay sumuway sa utos ng kanyang guro.
Teacher Limjuco | Photo credit to the owner |
Ngunit minsan, ang mga simpleng pag-disiplina na ito ay minamasama ng ibang mga magulang, dahilan upang sila ay magtungo sa paaralan at ireklamo ang teacher ng kanilang mga anak.
Anag malala pa ay ang pahiyain ang mga guro at ihiling na matanggal ang mga ito sa kanilang trabaho.
Dahil dito, may babala ang isang abogado na may kalalagyan na sa batas ang mga magulang na maninindak ng guro ng kanilang anak, lalo't pasok ito sa kasong direct assault to persons in authority, alinsunod sa Article 51 ng Revised Penal Code.
Ayon kay Atty. Claire Castro sa programang "Usapang De Campanilla sa DZMM teleradyo" minsan ay nag-ooveract lang ang mga magulamg at hindi napipigilan na nasisindak nila ang mga guro.
"Minsan [overreacting] ang parents eh... Kahit na sabihin natin na wala na si teacher sa premises, tinakot mo inintimidate mo, because of what she did sa anak mo," paliwanag ng abogado.
Photo credit to DZMM Teleradyo |
Dagdag pa ni Atty. Castro, pasok daw kasi sa tinatawag na "persons of authority" ang mga namumuno ng mga paaralan, maging ang mga guro, kaya may karapatan ang mga ito na disiplinahin ang mga bata.
Nagpaalala din ang abogado sa mga magulang na "maghinay-hinay" lalo na kung sinaway lang naman ng guro ang estudyante at hindi naman gumamit ng anomang dahas laban sa kanilang mga anak.
Kasabay nito, pinaalalahanan niya din ang mga guro na huwag dadaanin sa pisikal na pamamaraan ang pagdidisiplina sa mga estudyante.
"Sa mga teacher naman, alam niyo namang person in authority kayo, kung nagagalit kayo sa estudyante niyo huwag niyong daanin sa pisikal [na pamamaraan] ang mga bata kasi nato-trauma. Napapahiya naman kasi talaga sila 'pag nasisigawan o ano, We can do it in a nicer way," ani Atty. Castro.
Ayon din kay Atty. Castro, prison correctional o pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon ang parusa sa sino mang mahahatulan ng direct assault laban sa mga guro.
Source: ABS-CBN News