Lolo na namamaga ang paa, tuloy ang pasada ng tricycle upang maipagamot ang karamdaman - The Daily Sentry


Lolo na namamaga ang paa, tuloy ang pasada ng tricycle upang maipagamot ang karamdaman



Larawan mula kay Eliejah Judynne Mernilo

Viral sa social media ang post ng isang netizen na si Eliejah Judynne Mernilo, kung saan ay ibinahagi nito ang matinding karamdaman ng isang pobreng lolona mula sa Butuan City.

Ang matandang lalaki kasi ay may karamdaman na kung tawagin ay filariasis o mas kilala bilang “elephantiasis”, na ayon sa Department of Health (DOH) ay nakukuha ito sa kagat ng lamok na may taglay na parasitic worms at kung hindi maagapan ay maaari itong lumala at humantong sa pagkaputol ng paa.

Ayon sa uploader, si lolo Antonio Riveral ay patuloy ang pamamasada bilang isang tricycle driver para umano makapag-ipon ng pera para pampagamot sa kanyang karamdaman.

Kita mo nga naman kung gaano kasipag si lolo Antonio, na kahit may karamdaman ito ay patuloy siyang lumalaban sa buhay.

Sa mga larawan at kuhang video ni Eliejah, agaw pansin ang malaking pamamaga ng binti ni Tatay Antonio kung saan ay ilan ito sa mga sintomas na mayroon nga siyang karamdaman na “elephantiasis”.
Larawan mula kay Eliejah Judynne Mernilo
Ilan pa sa mga sintomas ng karamdamang ito bukod sa pamamaga ng binti ay maaari din maranasan ang matinding pamamaga ng ari, braso, lagnat at ubo ganun narin ang panginginig ng katawan.

Humingi ng tulong si Eliejah iba nating kababayan na sana ay mabigyan atensyon ang kalagayan ng nakakaawang matanda nang sa ganun ay maipagamot na ito.

Para sa karagdagang impormasyon galing kay Eliejah, si tatay Antonio ay na nakatira sa P-16 Sampaloc, Barangay San Vicente Butuan City.

Basahin sa baba ang kanyang post:

"Siya si tatay ANTONIO RIVERAL taga p-16sampaloc brgy. Sanvicente butuan city. humihingi po siya ng tulong may filariasis po siya at kaylangan ng ma operahan kaso wala daw silang pera kaya nag sisikap parin siyang namamasada kahit masakit na paa niya please po tulongan natin siya" 
Larawan mula kay Eliejah Judynne Mernilo
Panoorin ang video sa ibaba:

Dahil sa post ni Eliejah, agad namang umiral ang pagiging matulungin ng mga pinoy at may mga ilan na nagtatanong kung paano siya mabibigyan ng financial na gastusin para matulungan ang matanda.

Larawan mula kay Eliejah Judynne Mernilo

Larawan mula kay Eliejah Judynne Mernilo

Larawan mula kay Eliejah Judynne Mernilo


***