Kumare, nagalit sa Ninang ng anak dahil di nabigay ang dinemand na branded na sapatos: "Wag na kung puro laruan na naman" - The Daily Sentry


Kumare, nagalit sa Ninang ng anak dahil di nabigay ang dinemand na branded na sapatos: "Wag na kung puro laruan na naman"




Larawan mula sa post ni Ni Ho

"Bilhan niyo ng Nike na sapatos at nakakasawa na puro nalang laruan ibinibigay niyo, minsan lang din naman," - Kumare

Isang Ninang na naman ang nabiktima ng pagiging demanding ng magulang ng kaniyang inaanak na nagalit nang hindi napagbigyan ng gustong iparegalo sa kanilang anak hanggang humantong sa paninirang puri at pagkasira ng kanilang pagkakaibigan at pagiging magkumare.

Hindi mapigilan ng isang netizen na si Ni Ho na ilabas ang kanyang hinanakit at sama ng loob sa kaniyang kaibigan at kumare kaya kaniyang idinaan sa pamamagitan ng isang post sa social media ang naging usapan nila.


Sinabi ni Ni Ho sa kanyang post na ikinagulat niya ang pag "Good Morning" sa kaniya ng kanyang kumare na ni kahit minsan sa mga Facebook posts niya ay di niya nakitang nagla-like.

Larawan mula sa post ni Ni Ho.

Dagdag niyang masakit sa parte nila bilang Ninang at Ninong ng kanilang inaanak na sabihan ng kanilang kumare na sawang-sawa na umano ang anak nito sa mga binibigay nilang mga regalong laruan, ngunit tuwang-tuwa naman daw ito sa tuwing binibigyan nila.

"Masakit sa parte namin na sabihan mo na nakakasawa na ang mga laruang binibigay namin sa anak mo," saad niya sa kanyang post.

Totoo din daw na nagigipit sila sa pera ngayon dahil meron silang mga pinag-lalaanan dito.

Pero kahit ganunpaman daw, kahit hindi pasko ay binibigyan nila ng pera at binibilhan nila ng damit ang kanilang inaanak na bukal sa kanilang kalooban kaya wag naman daw sana silang paratangang
nagmamayabang.

Sa mga ibinahagi niyang mga larawan ng kanilang pag-uusap, sa una ay nag "Good morning" ang kanyang kumare na sinagot niya naman ng pangangamusta kasama na si baby na kanilang inaanak.


Dito na isiningit ng kumare niya ang paghingi niya ng regalo para sa kanyang anak at sagot naman ni Ni Ho na kung makakabili siya dahil wala pa din naman daw siyang trabaho at marami pang mga kailangan gamit para sa kanilang bahay.

Larawan mula sa post ni Ni Ho.


Ngunit giit naman ng kaniyang kumare na sa susunod nalang ang mga gamit nila dahil wala pa naman din daw silang mga anak, kaya nag demand ito na bilhan nalang nila ang anak niya ng isang branded na sapatos.

"Sa susunod niyo nalang bilhin'yong mga gamit niyo at wala pa naman din kayong anak. Bilhan niyo nalang si bb sapatos niya, 'yong Nike," pagpipilit ng kumare niya sa kanya.

Saad naman niya na kaya nila inuuna ang mga pagpupundar ng mga gamit ngayon habang wala pa silang anak, dahil tiyak mahihirapan na silang makabili ng mga gamit pagdating ng panahon na sila'y magkakaanak na.

Larawan mula sa post ni Ni Ho.

Kaya pabor niya na 'yong kaya niya lang maibigay. At tanong niya na kung magkakano ang hiningi nitong Nike na sapatos.

Agad na sagot naman ng kaibigan niya na may tig-1,200.00 na sapatos at 700.00 ang pinakamura. Paliwanag ng kumare niya na minsan lang naman daw siya nanghihingi ng pabor sa kanila.

Dagdag pa niya na kung hindi nila maibigay ang hinihingi niya ay siguradong magtatampo ito.

Dahil sa maliit lang din daw sahod ng kaniyang asawa at may mga importante pa silang pagagastusan ay sinabi ni Ni Ho na hindi niya maipapangako ang hinihingi niyang sapatos.


"Wag mo naman sanang ipagtampo kung hindi sapatos ang aming maibigay, ang importante ay matutuwa ang anak mo sa ibibigay namin, kahit pa siguro laruan lang ay matutuwa na siya," saad niya.

Larawan mula sa post ni Ni Ho.

Hindi naman niya inasahan ang magiging sagot ng kumare niya sa kanya na tila nag-iba ang timpla ng ugali dahil sa parati nalang daw laruan ang binibigay nila.

Larawan mula sa post ni Ni Ho.


"Yumabang na talaga kayo dahil sa narating niyong magandang buhay," saad ng kanyang kaibigan.

"Sapatos lang naman ang hinihingi ko sa inyo para sa anak ko. Wag ka nalang magbigay kung laruan lang din naman ang ibibigay niyo." dagdag nito.

Sa post ni Ni Ho, sainabi niyang masisira lang ang kanilang pagkakaibigan ng kumare niya ng dahil lang sa sapatos na pinipilit niyang ipabigay sa inaanak niya.

Paliwanag din niya na hindi na sana niya ito ipinost pa sa social media pero nakakalungkot lang daw dahil ang buong inakala niyang totoo at tunay ang pangangamusta ng kumare niya, ay may kailangan lang pala ito sa kanila na kahit pa sa sarili nila ay di nila nabibilhan ng katumbas ng ganong halaga.

Umani din ito ng samot-saring reaksyon mula sa mga netizen na di mapigilang mag bigay ng kani-kanilang mga opinyon tungkol sa ginawa ng kaibigan at kumare ni Ni Ho.


Narito ang kanyang buong post na isinalin sa salitang Tagalog:

Ate? Why o why binlock mo ako? Magrerepy pa sana ako sayo. 

At first, nagulat ako nung nag Good morning ka sa akin? Even like sa mga post ko, hindi ka naman nagla-like. Masakit sa parte namin na sabihan mo na nakakasawa na ang mga laruang binibigay namin sa anak mo.

Everytime, nagbibigay kami ng laruan sa anak mo, natututuwa naman siya?

Kahit pa nga na hindi pasko at sa tuwing nagkikita tayo ay binibigyan namin yan ng pera, at binibilhan ng damit. Te, hindi pa naman siguro marunong mag-appreciate ang 1 year old na bata, di pa naman yan marunong mag demand sa kung ano ang kanyang mga gusto. 


Sobrang gipit namin ngayon dahil sa meron din kaming pinag-lalaanan sa pera, pero lahat ng mga laruan na binibigay namin sa anak mo ay bukal sa aming kalooban. Huwag mo namang sabihin sa amin na mayabang kami kasi hindi hindi kami nagmamayabang. 

Masisira ang ating pagkakaibigan dahil lang sa isang sapatos na gusto mong ipabigay namin sa anak mo. Akala ko totoo ang pangangamusta mo sa amin, meron ka lang pa lang kailangan. Hindi ko naman na sana ito ipopost, pero nasaktan din ang pagkatao ko sa ginagawa mo sa amin. 

Pasalamat ka dahil inedit ko pa to para di makita ang mukha mo at meron padin akong respeto sayo. Sobrang mahal ng 1200 Te, halos nga hindi kami makabili ng kahit tig-100 na sapatos. Mula noong inaanaak namin ang anak mo, grabe na talaga ang pagkademanding mo sa amin na dapat mabigyan ng ganito at ng ganyan.

***

Source:  Ni Ho

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!