Grupo ng kapulisan, trending sa social media matapos tayuan ng magandang tirahan ang isang matanda - The Daily Sentry


Grupo ng kapulisan, trending sa social media matapos tayuan ng magandang tirahan ang isang matanda



Larawan kuha mula sa post ng I Love PNP

Naging mainit ang paghanga at pagpapasalamat ng mga netizen sa isa na namang di matawarang kabutihan ng ating mga kapulisan.

Viral ngayon sa social media ang ibinahaging kwento at mga larawan mula sa sa isang Facebook page na "I Love PNP" tungkol sa pagtulong ng mga pulis sa isang matandang Lola.


Pinatayuan ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company, RMFB1, Police Regional Office 1 ng maayos at komportableng konkretong bahay si Lola Celerina Ibus Villa, 98 na taong gulang mula sa Brgy. Labut, Badoc Ilocos Norte.

Larawan kuha mula sa post ng I Love PNP

Larawan kuha mula sa post ng I Love PNP
Makikita sa mga larawan na dating nakatira lamang si Lola Celerina sa isang sira-sirang lumang bahay na halos ay wala ng ding-ding at patumba na dahil sa kalumaan at karupukan na ng kahoy.

Ayon din sa post, nagsimula lamang daw ang pagtulong nila kay Lola Celerina sa pagbigay ng mga kinakailangang groceries hanggang sa marami ang naantig na mga netizen na may mabuting puso at malasakit ay napagawaan na sa wakas ang matanda ng isang matibay at ligtas na titirhan.


Kuha din sa mga larawan ang grupo ng kapulisan na siyang nangunguna sa mula sa paghahakot ng mga gamit sa pagawa ng bahay, paghuhukay ng lupa, paghahalo ng semento hanggang sa pinakadulong bahagi upang maitayo ang bahay.

Larawan kuha mula sa post ng I Love PNP

Larawan kuha mula sa post ng I Love PNP

Narito ang buong nakakamanghang kwento ng mga Pulis: 

PULIS nanaman!!! 👮‍♂️👮‍♀️💝

👵Mga Pulis nagpatayo ng bahay para sa isang Lola.👵

Muli, ang Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company, RMFB1, Police Regional Office 1 ay naipagpatayo ng bahay si Lola Celerina Ibus Villa, 98 taong gulang ng Brgy. Labut, Badoc Ilocos Norte.



Nagsimula sa konting groceries lamang ang naihandog kay Lola hanggang sa ito ay mapansin sa social media ng mga netizen na may puso at malasakit. 


Larawan kuha mula sa post ng I Love PNP

Larawan kuha mula sa post ng I Love PNP

Sila ay nahabag sa kalagayan ni Lola kaya sila ay nag tulong-tulong para maipagpatayo ng matibay na bahay si Lola Celerina sa pamamagitan ng ating mga mamang Pulis.

#PulisGoodDeeds
#BeyondCallOfDuty
#PusoAtMalasakit
#PNPKakampiMo
#PulisKamiPulisNyoPo
#MgaBayaningPulis

***

Source: I Love PNP

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!