Kalaboso! Babae nambato ng humidifier at nanigaw ng isang saleslady sa Cebu - The Daily Sentry


Kalaboso! Babae nambato ng humidifier at nanigaw ng isang saleslady sa Cebu






Viral ngayon ang video ng isang babae na nag amok sa Ayala Mall sa Cebu City na nambato pa ng humidifier sa Sales Lady.

Sa video na inupload ng Cebu Flash Report, makikita na galit na galit ang babaeng may buhat na bata at kasamang lalaki habang sumisigaw sa kausap na babae.

Maririning din mula sa kumukuha ng video na dumugo ang bahagi ng mata ng sales lady habang patuloy sa panduduro at sigaw ang babaeng customer na makailang ulit nang bato sa kawawang empleyado ng mall.

Ayon sa post ng Cebu Flash Report, kinilala ang babeng nag wala na si Medelina Berja Yamazaki, 33 years old at ang biktima na si Jennifer Fabillar.

Dinala umano si Yamazaki sa Mabolo Police Sub-Station sa Cebu City na haharap sa kasong physical injuries na sinampa ng biktima.

Bagaman hindi kumpirmado ang totoong pinag mulan ng gulo, binanggit ng Cebu Flash Report na pinagsabihan umano ni Fabillar ang ina ng bata dahil baka makasagi ito at makabasag.

Doon na din umano nagalit si Yamazaki at nag sisigaw hanggang mabato nito ang biktimang si Fabillar ng humidifier.*



Sa ngayon, mayroon nang halos sampung libong shares at comments ang nasabing video.

Hindi naman napiligan ng mga netizens na magalit sa customer na nanakit ng sales lady. Mayroon ding nakapansin sa security guard na nakatayo lang habang nagkakagulo ang dalawang babae sa kanyang paligid.





Narito ang ilan sa mga komento na isinalin na sa Tagalog:

“No one has the right to insult nor hurt anyone in this world. If you have issue with the sales lady then call the Supervisor/Management of the mall.”

“Grabe na ngayon ang panahon , tsk.tsk. karamihan ngayon sa tao puro mga bastos na. Nakaasawa lang ug foreigner or ibang taga lugar hilas na kaayo.”

“May punto naman ang sales lady na pagsabihan sila kasi paano kung makabasag ang bata, sino ang magbabayad. Not unless, babayaran ng nanay kung makabasag man”

“Ipa Tulfo na yan. Ang yabang ng pinay nay an…ang yabang naka asa lang sa hapon.”