Isang pulubing may sakit sa pag-iisip tinulungan ang ambulansyang makalagpas sa traffic - The Daily Sentry


Isang pulubing may sakit sa pag-iisip tinulungan ang ambulansyang makalagpas sa traffic



Kadalasang nasa pag-iisip ng tao na ang mga pulubi sa ating sambayanan ay walang naitutulong o  walang pakinabang.
Imahe mula Good Times

Ngunit sa isang pangyayari sa Bancuey, Indonesia noong November 13, mapapanood sa video ang isang pulubing tinutulungan ang ambulansyang naipit sa isang traffic.

Sa Instagram post ni Muhammad Sandy Nugraha, ang driver ng ambulansya, ibinahagi nito ang video kung paano siya tinulungan ng isang pulubi.

Ayon kay Nugraha, meron umanong nagaganap na demonstrasyon sa lugar na kanyang dinadaanan kaya naman medyo nagkaroon ng traffic. At nang mapansin ng pulubi ang ambulansya ay dali-dali umano itong tumakbo papunta sa kanya at maya maya pa ay nagmamando na ng trapiko upang patabihin ang ibang mga sasakyan.
 Imahe mula Good Times

Nung makalagpas na si Nugraha ay narinig umano niyang sumisigaw ang pulubi ng “Long Live Ambulance.”
 Imahe mula Good Times
Imahe mula Good Times

Kinuhaan umano ni Nugraha ng video ang pulubi upang ipaalam sa mga tao na hindi lahat ng pulubi o taong may kapansanan sa pag-iisip ay masama.

Ang video ni Nugraha ang magpapatunay na hindi mo dapat husgahan ang isang tao base sa kanyang panlabas na itsura lamang.

Narito ang kanyang video:




***
Source: Good Times