Imbes na mabwisit sa tagal, netizen nasiyahan sa usapan ng mga trabahador habang nagwiwithdraw - The Daily Sentry


Imbes na mabwisit sa tagal, netizen nasiyahan sa usapan ng mga trabahador habang nagwiwithdraw



Larawan kuha mula sa post ni Vinia Buena.

Sahod, maliit man o malaki ang maiuuwi ito ang pinaka-hihintay at pinakamasarap na marinig sa tenga mula sa lahat ng mga empleyado, nagmula man sa malalaking kompanya o ng kahit ano pa mang posisyon at estado ng trabaho sa lipunan.

Nag viral sa social media ang isang post ng isang netizen na si Vinia Buena tungkol sa kanyang nasaksihan habang nakapila sa isang Automatic Teller Machine (ATM) upang magwithdraw.

Naabutan niya ang isang grupo ng kalalakihan na sama-samang nag-wiwithdraw sa iisang ATM, at sa halos sa tagal ng transaksyon nila ay aminado siyang naiinis na sa kakaantay gaya ng nararamdaman din ng karamihan, ngunit lubos na natuwa siya nang marinig niya ang mga naging usapan ng tatlo.


"Imbis na mabwisit ako dahil almost 30 minutes na ako naghihintay sa pila, natuwa ako habang naririnig ko sila," saad niya.

Ibinahagi ni Buena ang mga narinig niyang usapan na siyang nakapagbago ng kanyang pagka-inis sa pag-aantay ng matagal sa pila ng ATM.


Larawan kuha mula sa post ni Vinia Buena.

"Tagal ko hinintay to pare, may pambili na bagong sapatos anak ko."

"Uy nakakuha ako 2,000 dami namin mabibiling handa neto."

Kahit pa sa katiting na halaga lang ito para sa paningin ng iba, pero sa kanila sobra-sobra na at labis na kasiyahan na ang kanilang nadarama.

"Bait ni boss binigyan tayo bonus."

"Text ko pa nga misis ko gsto nun spaghetti sa pasko eh."

Hindi maipagkaila na meron ding namang mga iilan na mga empleyado ang hindi maitago ang pagkakadismaya at pagkalungkot dahil sa wala silang natanggap o dahil sa liit ng kanilang nakuhang bonus.


Ikinatuwa ni Buena ang kanyang mga narinig dahil kahit pa sa liit ng halaga ng bonus na natanggap ng mga nasa unahan niya ay hindi sila nagrereklamo, bagkos ay labis ang kasihayan at pagbibigay halaga ang naidulot nito hindi lang sa pansarili nila kundi pati na rin sa mga pamilyang binubuhay at umaasa sa kanila.

Umabot na sa halos 500k reactions at 164k shares ang naturang post ni Buena.

Narito ang kanyang buong post:


Imbis na mabwisit ako dahil almost 30 minutes na ako naghihintay sa pila, natuwa ako habang naririnig ko sila:

"Tagal ko hinintay to pare, may pambili na bagong sapatos anak ko."

"Uy nakakuha ako 2,000 dami namin mabibiling handa neto."
"Bait ni boss binigyan tayo bonus."

"Text ko pa nga misis ko gsto nun spaghetti sa pasko eh."

Nakakatuwa lang kasi even they received small amount as their Christmas bonus, hindi sila nagreklamo, instead, inappreciate nila and inisip pa din na these are blessings. 



Unlike others, pag binigyan mo ng pandesal, gusto pa burger. Be grateful of what you have received. 

Hindi lahat nakakakuha ng kung anong meron ka ngayon. 😊

***

Source: Vinia Buena

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!