Larawan mula sa Bombo Radyo |
Muling inaasahan ng ating bansa na makakamit natin ang gintong medalyon sa larangan ng martial arts na mula sa larong arnis sa Southeast Asian Games (SEA Games) 2019.
Gaya na nga nang inaasam asam ng
marami, muling nahakot ng ating koponan ang anim na medalyang ginto mula sa nasabing
laro.
Una nang nasungkit ni Dexter Bolambao
ang unang gintong medalya ng Pilipinas para sa larong arnis.
At muling
nasungkit naman ng isa pang pambato ng Pilipinas ang ikalawang gold medal ng
Pilipinas para sa larong Arnis.
Tinalo ni Sgt. Niño Mark Talledo, 33
anyos ng Army ang atleta mula sa bansang Vietnam na si Van Kein Yu.
Noong nakaraang 2005, ang Vietnam ang
naging pinaka-matinding katunggali ng ating mga atleta sa larangan ng arnis na
syang nakakuha ng tatlong medalya, at tatlo naman sa Pilipinas.
Nag simula ang karera ni Sgt. ni
Talledo nang siya sumali sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-PNP Olympics
noong 2008.
Ngunit nagsimulang maglaro ng arnis
noong 2007 si Talledo para sa koponan ng Pilipinas.
Ang nasabing Arnis star ay nakadestino sa mga conflicted areas sa Mindanao.
Ang koponan ng
Arnis ay nag-ambag na ng apat na gold medals at ang back-to-back golds ay sa
pamamagitan ni Talledo at sa Live Stick Featherweight Men’s Division siya
namayagpag.
Nakakuha naman
si Cunamay Villardo ng karagdagang gold sa kategorya ng Arnis-Men’s Lightweight
+60kg less 65kg.