Heart Evangelista, binigyan ng tahanan at trabaho ang isang lalaking maraming alagang aso - The Daily Sentry


Heart Evangelista, binigyan ng tahanan at trabaho ang isang lalaking maraming alagang aso






Photo courtersy of Instgram @Heart Evangelista



Isang lalaking walang sariling tirahan ang sinurpresa at hinandugan ni Heart Evangelista Escudero ng sarili nitong tahanan matapos maantig ng aktres sa pinakitang pagmamahal ng matanda sa mga aso.

Namataanan umano ang nasabing lalaki na nakilalang si Kuya Jun sa kahabaan ng Gilmore Avenue sa Quezon City noong nakaraang December 1, 2019.



Naghahanap daw si Heart ng kanyang alagang aso na si Casper na nawawala noon pang November 18.

Nakita ni Heart si kuya Jun na kumakain kasama ang mga alaga nyang aso sa harap ng isang saradong gusali.

“If you see him along Gilmore say hello☁️🖤 his name is Jun… a hero❤️ an inspiration” ayon sa unang post ni Heart sa kanyang Twitter account noong araw na iyon.


Kalaunan ay nakipag tulungan ang aktres sa PAWSsion Project upang mabigyan ng simpleng tahana si Kuya Jun at ang kanyang mga alagang aso.

Ang PAWSsion Project ay isang non-profit na organization na naka base sa Bacolod na nagliligtas at nag aalaga ng mga asong walang matirahan.


“He had the simplest wishes, just a place where he can be with his dogs, and clothes he can use to go to church. We were all in tears when he cried for joy seeing his home and everyone else at the shelter giving him the warmest welcome. He said, every day, he prays for a home for him and his dogs, and we thank God for using all of us as His instruments,” ayon sa caption ng post ng Pawssion Project sa Instagram page ng organisasyon.*

Mensahe naman ng grupo kay Heart: “Thank you for helping us give him a home. It was all because of you that we now have this amazing new member of our family.”

Ayon sa PAWSsion Project, si Kuya June ay isang street sweeper at nakaka tanggap ng P100 allowance sa isang araw na kanyang pinang bibili ng kanyang pagkain pati na ng kanyang mga alaga.

Kilala rin si Kuya sa Gilmore na likas na mapag mahal at matulungin sa mga asong pa gala-gala sa kalsada.

Larawan mula sa Instagram ni Heart


Samantala, matapos pagbigyan ang hiling ni Kuya Jun, sinabi ni Heart sa kanyang post: “Happy Sunday, Kuya. Welcome home sa inyo ng mga babies niyo. Di na kayo mauulanan. Thank you to everyone who made this possible and to Kuya for being an inspiration. You deserve the world.”