Larawan mula kay Chriszel Singson Vicente |
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay maayos ang buhay na walang iniintinding problema dahil nandyan ang kanilang magulang para tustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Ngunit ibahin natin si Kervy James Villarejo, isang grade 5 na estudyante sa Jose Catolico Sr. Elementary School, Gen. Santos City, sa halip na mawalan ng pagasa dahil sa hirap ng kanilang buhay ay patuloy parin itong lumalaban.
Viral sa social media ang Facebook post ni Chriszel Singson Vicente na empleyado ng isang insurance company kung saan ay ibinahagi nito ang nakakaantig pusong kwento ni Kervy.
Ayon kasi kay Chriszel, si Kervy ay kumatok sa pintuan ng kanilang office para mag-apply ng trabaho bilang isang janitor upang makabili ng kaniyang school project.
“Na curious kaming lahat, pinapasok namin. Nasa booth ako noon, lumabas ako para kausapin siya. Sa totoo lang, naawa ako, kasi sa office may suki na talaga ako na lumalapit at binibigyan ko every month. Itong si Kervy, iba. Nag offer ng service .. napahanga niya talaga kaming lahat, tapos pag interview namin sa kanya ang hirap pala ng current situation nya.” ayon kay Chriszel
Larawan mula kay Chriszel Singson Vicente |
Ayon sa bata, naninirahan umano siya sa kanyang lola kasama ang tatlo pa nitong kapatid na magkakaiba ang tatay. Ang kanyang tunay na tatay ay matagal na umanong sumakabilang-buhay habang ang kanyang ina naman ay mayroon ng ibang kinakasamang lalaki na hindi nagbibigay ng suporta sa kanya.
“11 years old si Kervy ngayon, ka edad ko lang yung mama nya nung pinanganak siya. Same age nung pinanganak ko anak ko at 21. Personally, masakit talaga saakin bakit ganun ang sitwasyon niya. As a single mom, masakit talaga. Kawawa si Kervy. Pero ang swerte [ng pamilya nya] sa kanya. [Si Kervy] ay masipag, may pangarap.” dagdag pa nito
Dahil sa naramdamang awa at pagkamangha kay Kervy, ibinigay na lamang ng opisina ang halagang kailangan nito para sa kanyang project sa school at hindi na pinagtrabaho.
Pangarap din umano ni Kervy na makapagtapos sa pagaaral para matupad ang pangarap na maging isang piloto.
Larawan mula kay Chriszel Singson Vicente |
Basahin ang buong post ni Chriszel sa ibaba:
"Siya po si Kervy James Villarejo, Mag-aaral ng Jose Catolico Sr. Elementary School. Grade 5 student.
"Siya po ay kumatok sa pinto ng opisina namin nagtatanong kung may ipapagawa daw kami. (Mop sa sahig, Walis or may ipapalinis) yung perang malilikom niya ay ipambibili ng project sa school.
"Tinanong ko siya ano ang pangarap niya paglaki. Sagot niya: "PILOT PO"
"God Bless your future Pilot Kervy..Maka amaze bata, Keep it up Kervy..
"Hindi po namin siya pinalinis. Hehe! kinausap nalang namin. Babalik daw siya para ipakita yung project na nabili.
"(Ako po ay isa ding single mom ginagawa lahat para maprovide ang pangangailangan ng anak ko, masakit para sa amin na ganito ang kalagayan ng batang si Kervy pero nakaka proud talaga siya.. #BatangmayLaban)
****
Source: Buhay Teacher