Ginang, ang pagiging ‘single’ daw ang sikreto kaya naabot ang edad na 107 - The Daily Sentry


Ginang, ang pagiging ‘single’ daw ang sikreto kaya naabot ang edad na 107



Larawan mula sa pinoy formosa
Isa sa pinaka aasam-asam ng bawat tao sa mundo ay ang mabiyayaan ng maykapal ng mahabang buhay, upang sa ganun ay mas matagal nating makasama ang ating mga mahal sa buhay.

Kung kaya naman madaming taong nag-eeffort para maabot ang kanilang nais na edad, yung iba ay umiiwas sa bisyo tulad ng alak ay sigarilyo, tamang tulog, yung iba naman ay kumakain ng masustansyang pagkain at sinasabayan nila ito ng tamang ehersisyo.

Ganunpaman, tunghayan ang kakaibang kwentong buhay ng isang ginang na ibinahagi ng "CBS", kung paano ito umabot sa edad na 107, at kung ano ang kanyang sikreto para maabot ang kanyang edad.

Si ginang Louise Signore ay ipinanganak noong 1912 sa New York at hanggang ngayong taong 2019 ay tila malakas pa ito at nakakakilos pa ng maayos.
Larawan mula sa ABC News
Ayon sa kanya, ang kanyang lihim kung kaya niya naabot ang edad na 107 dahil sa pagiging single o hindi pagpapakasal.

Ito umano ang pangunahing dahilan niya kung kaya umabot siya sa kanyang edad ngayon dahil naiiwasan umano nito ang stress sa kanyang buhay.

“I think the secret of 107… I never got married, I think that’s the secret. My sister says, ‘I wish I never got married!’”. ayon kay ginang Signore

Ayon din sa kanya, mahilig siya sa Italian food na mayaman sa isda, gulay at hindi siya mahilig sa matatamis na pagkain na nakutong din para sa kanyang kalusugan.


“Italian food is very good for you, I was brought up with very good food. No soda, no cake.” pahayag ni Signore

Dagdag pa nito, mahilig din siyang sumayaw at mag-ehersisyo at pagkatapos nitong kumain ay naglalaro siya ng bingo.

"If they have exercise, I do the exercise. If they have dancing, I dance. I still do a little dancing. After my lunch, I will play bingo, so I had a full day," saad ni Signore

Kwento ng kanyang kaibigan na si Deborah Whitaker, na si Signore daw ay mahilig makipag-kaibigan sa mga kapitbahay na tila walang kapaguran at mahilig maglakad-lakad kahit wala itong tungkod, mahilig din itong mamili ng mga gamit na kanyang kailangan.
Larawan mula sa ABC News
“I think that her connection with her neighbors in the community and also her friends here at the senior center help to keep her going,” ayon kay Whitaker

Umani naman ng ibat-ibang reaksyon mula sa netizens ang kwento ni ni ginang Signore.

Ayon kay Dhangz Rose Urgino, Wala nang asawahan kung stress lang din naman ang ibibigay nito sa kanyang buhay dahil nais pa nitong mabuhay ng matagal.

Ayon naman kay Leo Blanca Escalante, baka masyado lang pihikan si ginang Signore at nagaantay ng lalaking perpekto na sa katunayan ay wala naman talagang perpektong lalaki sa mundo.

Sinabi naman ni Daisy Taugiag sa naka-tag niyang kaibigan na kung gusto niyang humaba ang kanyang buhay ay wag nalang siya mag-asawa.

****

Source: Independent