Larawan mula kay Rex Remitio |
Hindi naman maipagkakailang buong mundo ay problemado sa mga basurang plastik sa bawat baybayin dagat sa ating mundo.
Ayon sa pag-aaral, ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansa na may pinaka maraming plastik na basura na inaanod sa karagatan na nagbibigay polusyon.
Nanguna ang bansang China sa pinakamaraming nabibigay na polusyon sa karagatan at pangalawa naman ang Indonesia, habang pumapangatlo naman ang bansang Pilipinas.
Kung kaya naman sana matuto na ang mga Pilipino na itapon sa tamang basurahan ang mga pinaggamitan nitong mga plastik at huwag basta nalang iwan sa gilid ng karagatan na nagdudulot ng polusyon sa ating mga yamang dagat.
Ganunpaman, viral naman sa social media ang ginawa ng isang dayuhan sa bansa kung saan ay namataan siyang mag-isang nililinis o tinatangal ang mga basurang plastik mula sa dagat.
Maraming humanga sa dayuhan na si Finish Simo Aaltonen na mula sa Finland dahil ipinakita nitong pagkukusa na mamulot ng basura sa dagat ng Dipolog City.
Larawan mula kay Rex Remitio |
Larawan mula kay Rex Remitio |
Makikita sa larawan sa Facebook na pinupulot ng isang dayuhan ang mga basura sa dagat at iniipon niya ito sa gilid.
Dahil sa ipinakita nitong pagmamalasakit sa kapaligiran, ilang mga Pilipino na nakakita sa kabaitan ng dayuhan ang nakigaya na rin.
Basahin ang buong post sa ibaba:
"LOOK: A man from Finland who was seen cleaning up the coastline of Dipolog City’s bay captures the hearts of many.
"Simo Aaltonen’s kindness also motivated other locals to help him pick up trash a day after a post about his act went viral.
Larawan mula kay Rex Remitio |
Agad namang pinuri ng mga netizen ang ipinakitang pagmamalasakit ng dayuhan sa ating karagatan.
****
Source: Rex Remitio / Facebook