Southville International School at Colleges na humakot ng 175 medals sa WSC TOC. Credits to Southville. |
Hindi lang sa
South East Asian Games namamayagpag ang mga Pilipino kundi pati sa 2019 World
Scholar's Cup (WSC) - Tournament of Champions na ginanap sa Yale University.
Ayon sa
isang ulat ng goodnesspilipinas na website, ang mga iskolar mula sa Southville
International School at Colleges sa Las Pinas ay nagwagi ng nasabing paligsahan
sa Yale.
Naghakot
umano ang mga mag aaral ng napakaraming karangalan na umabot sa 175 - kabilang
ang 83 na gintong medalya.
Ang koponan
ng Southville na may 35 miyembro ay nakakuha ng 83 ginto at 92 pilak na medalya
sa pandaigdigang finals ng paligsahan na ginanap mula Nobyembre 8-13 sa
pangunahing unibersidad ng Connecticut.
Ang mga
medalyang nakuha ng Southville nitong taon ay mas marami kumpara sa nahakot nila
noong 2018 na nagbigay sa paaralan ng 66 na ginto at 43 medalya ng pilak.
Samantala, ang
delegasyon ng Southville sa 2019 WSC ay kabilang sa 570 kampeon ng koponan mula
sa 61 na bansa na lumahok sa mga pang-akademikong laro.
Si Dalton
Emanuel Mojica mula sa Senior Division ng Southville ay nakaka kuha ng pang top
26 na ranggo sa nga 2, 700 na kasali. Siya ngayon ay tinanghal na pinaka
magaling na scholar sa Pilipinas.
“We are in
awe of the achievements of our students. The team’s winning is a testament of
how our 5C’s Core Values- Character, Commitment to Achieve, Competence,
Collaboration and Creativity, – come into play as our students excel not only
in local but also in global competitions. “ayon sa binahagi ng Southville principal
na si Marie Vic Suarez.*
“Kudos also
to our teachers who served as their mentors and to our parents who have
believed in our thrust as an institution,” dagdag nito
Ang mga events
na kabilang sa nasabing tournament ay Scholar's Bowl, Scholar's Hamon,
Collaborative Writing, at Team Debate at nasubok sa buong 6 na lugar ng
disiplina: Panitikan, Araling Panlipunan, Agham at Teknolohiya, Art at Musika,
Kasaysayan , at Special Area.
Ang World
Scholar's Cup ay naglalayong magbigay ng ibang panlasa ng mga kumpetisyon at
conferences, isang pagdiriwang ng kagalakan sa pag-aaral.
Ang tournament
din ay isang pagkakataon na nag-udyok sa mga mag-aaral na hindi lang ipakita
ang kanilang mga strengths kundi para matuklasan din ang mga nakatago pa.
Ang paligsahang
ito ng Yale University ay nagbigay ng magandang pagkakataon sa mga Filipinong
scholar na makapag uwi ng maraming karangalan para sa bansa.
Ang tatlong mag aaral mula sa Lyceum of the Philippines-Batangas / larawan mula sa virtual pinoy website |
Noong
nakaraang buwan lang din ay nakakuha ng 19 na gold medals ang mga mag aaral mula
sa Lyceum of the Philippines University-Batangas mula sa parehong tournament na
ginanap sa Yale.