Donnalyn Bartolome at Jose Hallorina |
Tila naging malaking isyu ang sagutan ng vlogger na si Jose Hallorina at ng isang sikat na Youtuber na si Donnalyn Bartolome matapos malagay sa kahihiyan ang pamilya Bartolome dahil sa Youtube video ni Hallorina na pinamagatang "Lola ng Sikat na YouTuber, namamalimos."
Sa video kasing mapapanuod sa Youtube, ininterview ni Hallorina ang isang lola na naka-wheelchair sa gilid ng kalsada habang namamalimos.
Sa kanyang pagtatanong, nalaman ni Hallorina na si lola Josie pala ay mayroong sikat na apo na Youtuber, ngunit hindi naman niya binanggit sa kanyang video blog ang pangalan ng nasabing apo ni lola Josie.
Dahil dito ay nanawagan si Hallorina na sana mapanuod raw ito ng apo ni lola Josie at ibang kamag-anak para matulungan ang kalagayan ni lola.
Larawan mula kay Jose Hallorina |
Basahin sa ibaba ang nakasulat sa description box ng video ni Bartolome kung saan ay mensahe niya ito kay Hallorina.
"Wala siyang binanggit na name? At gusto lang niya tumulong? Minessage siya ng family at relatives ko privately at pati sa comment section bago pa siya magka Part 2. Ininform siya ng totoong nangyayari pero DINEDELETE NIYA. Alam niya na ang mali pero pinagpatuloy pa.
"Hindi ako magpopost kung hindi niya kami pailalim sinira dahil kumalat na sa lahat ng relatives, kaibigan ng relatives at strangers, palaki na ng palaki ang lies. Naayos sana privately, sayang, naghintay ako.
"Naghintay ako ng 4 days. 4 DAYS dahil binigyan ko siya ng chance dahil baka totoo naman na gusto lang niya tumulong. Kung sa ganun magpapasalamat pa ako. Pero delete ng informative correcting comments? Mali ang Lola pero mas mali ang pagtago ng truth, unwilling magcomply sa appeal ng mga kamaganak para lang kumita sa napakadaming ads sa Youtube.
"Responsibilidad na niya ‘to kasi siya ang naglabas. Maybe nangyari 'to for a reason that's true and that's to give awareness that not everything is what it seems at para malaman ng lahat that VLOGGING IS A BIG RESPONSIBILITY, napakadaming YouTubers ang nadiin sa kagagawan ng kapwa YouTuber na'to. Viewers, judge responsibly too. Thank you for taking your time reading and comprehending and for watching too." ayon kay Bartolome

Larawan mula kay Donnalyn Bartolome |
"Time will reveal everything. All of it. If you’re not a family member, you shouldn’t have meddled. Sana tumulong ka nalang at ‘di nagTitle nandidiin apo na sikat at sinabing “sila ang dapat mahiya dahil wala silang help na binibigay sa’yo” Pag sinabi ko ba na hindi ako inalagaan ng nanay ko ibig sabihin totoo na ‘yun? Kahit na obviously nandito parin ako, maganda ang kalagayan lumaki ng malusog. Imagine, she’s diabetic. How do you think she survived all these years? Ask all the Bartolomes," paliwanag ni Donnalyn.
Panoorin ang video sa ibaba: