Doctor sa Viral na Road Rage Video, Ipatatawag na ng LTO! - The Daily Sentry


Doctor sa Viral na Road Rage Video, Ipatatawag na ng LTO!



Photo from Facebook | Credit to the owner

Viral ngayon sa social media ang isang road rage video kung saan makikita ang isang lalaking nagmumura at nagsusumigaw sa galit sa nakaalitan nito sa kalsada na isa ring lalaki sakay ng L300.

Ayon diumano sa lalaking galit na galit, sinusubukan niyang lumipat ng linya ngunit ginigitgit umano siya ng L300, dahilan upang magalit ito at harapin ang kabilang sasakyan.





Photo from Facebook | Credit to the owner

Photo from Facebook | Credit to the owner

Gayunpaman, sinabi ng driver ng nasabing L300 na higit sa sinigawan sila ng galit na lalaki, binato pa sila nito at nilait.

Nakilala and road rage suspect bilang si Tomas Joaquin Mendez, dating resident trainee diumano sa  St. Luke's Medical Center.

Ngayong araw ng Lunes, ayon sa Department of Transportation (DOTr) , umabot na sa kinauukulan ang insidenteng ng 'road rage' na iyon at sa kasalukuyan ay gumagawa na ng hakbang ang Land Transportation Office (LTO) upang maipatawag at mahingan ng paliwanag si Mendez.






Lalaking suspek sa road rage video | Photo credit to Facebook

DOTr | LTO | Photo credit to Manila Bulletin

Nanawagan din ang DOTr sa Professional Regulation Commission at ng Philippine Medical Association na gawin ang nararapat na hakbang sa maling inasal ng doktor bago pa lumala ang sitwasyon o problema.

Umapela rin ang DOTr sa mga motorista na manatiling kalmado sa kalsada at huwag pairalin ang init ng ulo sakaling masangkot sa isang 'traffic incident'.

“Sa mga panahon po na tayo ay biglang ma-involve sa isang traffic incident, huwag po sanang pairalin ang init ng ulo at umabot pa sa punto na tayo ay makikipagmurahan, manlalait, o mananakit ng ating kapwa.", pahayag ng DOTr.






SourceManila Bulletin