Isang estudyante mula sa De La Salle University ang nakapasok sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) dahil sa pagiging mahilig niya sa pakikipagsapalaran.
Maxine Keeler / Larawan mula sa kanyang Facebook post
Ngunit ang kanyang plano na subukan lamang ito ang naging daan upang madiskubre ang bagong katangian ng kanyang sarili na tunay niyang ipinagmamalaki.
Si Private First-Class Maxine Keeler, ay kumukuha ng kursong Behavioral Science Major in Organizational and Social Systems Development sa De La Salle University.
Ayon kay Keeler, matagal na niyang hinahangaan ang mga sundalo ng ating bansa kaya nang mabigyan siya ng pagkakataong masubukan ang parehong training na ginagawa nila ay pinili niya ang ROTC para sa kanyang National Service Training Program (NSTP).
Maxine Keeler / Larawan mula sa kanyang Facebook post
“At first I was honestly afraid of what I got myself into. My whole life as a civilian had to change the moment I started training,” sabi ni Keeler sa isang interview.
Kwento ni Keeler, ayaw raw umano pumayag ng kanyang mga magulang sa kanyang desisyon dahil hindi raw naging maganda ang kanilang naransan dito nung panahon nila. Ngunit ang kanyang pagiging mausisa at paghanga sa mga sundalo ang nagtulak upang pumasok ito bilang reservist.
Nagtanong-tanong rin umano si Keeler sa kanyang mga kaibigan kung ano-ano ang mga dapat paghandaan sa ROTC kaya alam na niya na hindi ito magiging madali. Ayon sa kanya, ang training ay mahirap ngunit masaya.
“When I started (undergoing) training, I first thought, 'Oh my god what did I get myself into?' But that thought slowly turned into 'Oh my god this was so worth it',” sabi ni Keeler.
Bilang isang college freshman, nagustuhan niya ang programa kaya sinubukan niyang maging officer sa Cadet Officer Candidate Course (COCC) kahit na alam niyang magiging mahirap ang training.
Maxine Keeler / Larawan mula sa kanyang Facebook post
“All our hard work from physical training early in the morning, reporting in our office for lectures and learning how to do corps staff work, to commanding cadets in the field, has contributed so much to the formation of my character,” sabi ni Keeler.
“Thankfully, I had my officers, training staff and DLSU personnel to guide me and my batchmates into becoming the snappy officers we are today. All that I’ve learned in training has helped me become more motivated and hardworking in other aspects of my life,” dagdag niya.
Ang dedikasyon ni Keeler ay napansin ng kanyang unit commandant na si Col. Nestor Narag, Jr., inirekomenda siya sa shortlist Filipino delegates na ipinadala sa Guam, USA para sa Cultural and Leadership Program (CULP) noong November 17-24 2019.
***
Source: Philippine News Agency