Hindi maiwasang mag-alala ng deputy president of the Malaysian Athletics Federation (MAF) na si Datuk Mumtaz Jaafar sa sobrang dami ng pagkaing inihahanda ng Pilipinas para sa mga atleta ng SEA Games 2019 na kasalukuyang ipinagdaraos sa Clark New City.
Deputy President of the Malaysian Athletics Federation (MAF) Datuk Mumtaz Jaafar / Larawan mula Astro Awani
Pakiramdam ni Mumtaz, bukod sa napakahirap tanggihan ng mga pagkaing inihahanda ng mga organizers para sa mga atleta, ito rin ay 6 meals per day.
“We arrived three days before athletics start and, after looking at the mess hall, I’m worried that some of my athletes might over-indulge and put on extra weight,” saad ni Mumtaz.
“The food is delicious, even better than those served at some hotels... and it’s open 23 hours every day.”
Larawan mula Fox Sports Philippines
“With the athletics venue across the road from the Village, I'm afraid they might have too much time in their hands and the mess hall might become the focal point,” dagdag ni Mumtaz.
Nagsisimula ng 5am ang breakfast ng mga atleta at hanggang 4am naman kinabukasan ang last call para sa hapunan nila. Sa gitna ng breakfast at hapunan ay meron pang apat na beses sila kung kumain.
Bilang isang dating sprint queen, sinabi ni Mumtaz na medyo malambot umano ang bagong track na tatakbuhan sa stadium.
“It’s a new stadium with a newly-laid track and I found it to be a little soft. That’s one of the reasons why we came early so that our runners can get used to the condition here,” saad ni Mumtaz.
***
Source: The Straits Times