Ninong, Sapilitang Pinabibili ng Bike ng Inaanak, kanyang Reaksyon?: "Awit pala maging Ninong" - The Daily Sentry


Ninong, Sapilitang Pinabibili ng Bike ng Inaanak, kanyang Reaksyon?: "Awit pala maging Ninong"



Photo credit to Mark Fernadez Munoz Facebook account

Tuwing nalalapit na ang Pasko, in demand ang mga Ninong at Ninang.

At sa nakaugaliang kultura nating mga Pilipino, isa sa mga prayoridad ng mga Ninong at Ninang tuwing pasko ay ang kanilang mga inaanak na siguradong mag-mamano at mang-hihingi ng aguinaldo. Ikanga, isang beses lang naman ito nangyayari sa buong taon kaya kailangang paghandaan.


Ngunit paano naman kung ang isang ama ng batang inaanak ay may pagka-demanding at nag-pipilit magpabili kay Ninong ng bisikleta na akala mo ay may patago?

Isang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang Mark Fernandez Munoz, ang ngayon ay trending at patuloy na pinag-uusapan sa social media. 


Photo credit to Mark Fernandez Munoz Facebook account

Ang post na ito na ibinahagi ni Munoz ay nagpapakita ng usapin nilang magkaibigan at magkumpare, kung saan humihingi ang huli ng bisikleta bilang regalo para sa kanyang anak.

Noong una ay nangamusta lamang ang kumpare na hindi na pinangalanan ni Munoz, at sinabing nalalapit na ang pasko at namimiss na siya ng inaanak nito.

Pagkatapos ay biglang hinirit na ni kumpare na regaluhan naman ni Munoz ang inaanak ng 'bike' pambata.

"Bro Mark!! Kamusta. Magpapasko na. Miss kana ng inaanak mo. Regaluhan mo naman ng bike pambata", ayon sa post.


Photo credit to Mark Fernandez Munoz Facebook account

Agad namang nag-reply si Munoz. Bumati din ng Maligayang Pasko at kinamusta ang inaanak. Matapos ay marahang nagtanong kung okay lang bang cash na lang ang ibigay niya dahil sa puno diumano ang kanyang schedule.

"Uy kuys. Oks lang. Maligayang Pasko. Kumusta ba siya. Pwede bang cash nalang medyo puno ung
schedule ko.",
sagot ni Munoz.

Maayos ding tinanong ni Mark kung okay lang na bibigyan na lamang niya ng dalawang libong piso (Php 2,000) ang kumpare at ang huli na ang bahalang bumili ng bisikleta at pabirong sinabing, ngunit malamang ay hindi sapat ang ibibigay niya upang makabili ng bike.


"Bigyan kita 2k kaw na bahala bumili pero di makakabili yang 2k for sure ng bike. Hehe. Oks lang?", dagdag ni Munoz.

Dito na sumagot muli ang kumpare ni Munoz at mariing sinabi na bisikleta nga ang gusto ng anak niya at hindi pera. Kanya ding pinagdiinan na minsan lang naman ang Pasko.

"Bro bike nga gusto bike. Minsan lang pasko brad", saad nito.

Pagkatapos non, sinabi ng kumpare na tumingin na siya ng bisikletang maaaring bilhin ni Munoz na nagkakahalaga ng limang libong piso (Php 5,000).

"Nagcanvass na ako 5k to bro. Bibilhin mo na lang". Saad ng demanding na kumpare.


Doon na nagtapos ang kanilang pag-uusap at di na marahil nagawa pang sumagot ni Munoz sa kanilang usapan. Kanyang na lamang ibinahagi at pinost sa Facebook ang pangyayari, marahil sa gulat na din sa inasal ng demanding na kumpare.

Ang nasabing post ni Munoz na nilagyan niya ng caption na "Awit pala maging Ninong." ay sadyang nag-viral sa social media at nakapukaw ng atensyon ng maraming netizens na umani ng 23k reactions at 21k shares. 


Screenshot of Munoz' post | Credit to his Facebook account



Source: Mark Fernandez Munoz