Kilala ang De La Salle University bilang isa sa mga pinakamahal na unibersidad sa Pilipinas, ngunit hindi lamang ito eksklusibo para sa mga mayayaman dahil isang anak ng security guard at labandera ang nakapatapos dito.
Reinn / Image mula sa kanyang Twitter account
Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni ‘Reinn’, isang registered Medical Technologist at Wattpad pop fiction writer ang kanyang kwento nang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa La Salle sa kabila ng kakapusan sa pera.
Ikinuwento ni Reinn ang mga pagtitiis at pagsubok na hinarap niya at ng kanyang pamilya na naging daan kung papaano siya nahulma sa kung ano siya ngayon.
Ang kanyang mga tweets ay inaalay niya sa kanyang mga magulang dahil sa kanilang walang sawang pagsuporta.
Hindi man nakapagtapos ng kolehiyo ang kanyang mga magulang, tinuruan naman nila si Reinn ng pagpapahalaga sa pag-aaral dahil alam nila na ito lamang ang kanilang maipapamana sa kanya.
“I survived 4 years in La Salle with my dad being a security guard and my mama having no work,” sabi Reinn sa kanyang unang Tweet.
“At a young age I’ve always believed that ‘ang edukasyon ang kaisa-isang bagay na hindi mananakaw ninoman’, so at young age, I took that as my foundation to strive harder in studying even if we are a really poor.”
Si Reinn ay nakatanggap ng scholarship para sa kolehiyo dahil naging Salutatorian ito pagka-graduate ng high school. Ngunit hindi pa rin niya lubos maisip na makakapag-aral siya sa La Salle dahil marami pa siyang kailangan bayaran katulad ng damit, pagkain, pamasahe, allowance, libro at marami pang iba.
“I studied in public school when I was in Elementary, and was granted with a scholarship in high school because I graduated Salutatorian. Tho I'm a scholar, I still have miscellaneous fees to pay, and my dad worked hard for it. I got other scholarships.”
“I never really thought of going into any La Salle School or University. It wasn't even my dream school. Almost a hundred thousand tuition fee, how am I supposed to pay that with my dad being a security guard and my mama having no work at all. But then God really provided.”
Sa kanyang pag-aaral sa mamahaling eskwelahan, hindi umasta si Reinn na mayaman, sa halip ay ibinahagi pa niya ang kanyang kwento sa mga kaklase, dahilan upang makahanap siya ng totoong mga kaibigan na tinanggap siya.
"I never hesitated to tell them my dad is a security guard and my mama doesn't work. It was very right because I've found real friends for that. I don't need to act I'm rich (which I never really planned.")
"I never hesitated to tell them my dad is a security guard and my mama doesn't work. It was very right because I've found real friends for that. I don't need to act I'm rich (which I never really planned.")
Narito ang kanyang mga tweets:
Pagka-graduate ay kumuha agad ng board exam si Reinn at ngayon ay isa ng registered medical technologist (RMT). Si Reinn ay isa ring author bilang "Secretlychasing" sa Wattpad. Available na ang kanyang librong 'Until She Fell in Love' sa mga bookstore nationwide.
***
Source: Reinn | Twitter
Ayon kay Reinn, siya ang kauna-unahang nakapagtapos ng kolehiyo sa kanilang pamilya.
Pagka-graduate ay kumuha agad ng board exam si Reinn at ngayon ay isa ng registered medical technologist (RMT). Si Reinn ay isa ring author bilang "Secretlychasing" sa Wattpad. Available na ang kanyang librong 'Until She Fell in Love' sa mga bookstore nationwide.
***
Source: Reinn | Twitter