Dating janitor at panadero na bumalik sa pag-aaral, nagtapos bilang isang Summa Cum Laude - The Daily Sentry


Dating janitor at panadero na bumalik sa pag-aaral, nagtapos bilang isang Summa Cum Laude



Larawan mula sa abs-cbn news
Sino ang mag-aakala na ang isang dating factory worker, security guard, panadero at naging janitor ang makakapagtapos sa pag-aaral bilang isang Summa Cum Laude ng paaralan.

Madami ang namangha sa ipinamalas na determinasyon ng isang 27 taong gulang na si Abzonie Reño upang maabot ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral at makaahon sa hirap ng buhay.

Si Abzonie ang kauna-unahang Summa Cum Laude sa Caraga state university sa kursong Bachelor of Science and Secondary Education, Major in Math.

Ayon sa kwento ng buhay ni Abzonie, matapos siyang maka-gradute ng high school noong taong 2008 ay nilisan na nito ang kanilang lugar sa Butuan City upang maghanap ng trabaho sa Manila upang makatulong sa pamilya.
Larawan mula sa abs-cbn news
Mahirap ang pinagdaanan ni Abzonie dahil pitong taon siyang tumigil sa pag-aaral dahil na rin sa kahirapan ng buhay.

Pagkatapos nitong maghigh-school ay namasukan si Abzonie bilang isang factory worker sa Metro Manila. Naging panadero din siya, naging security guard sa isang pribadong paaralan, naging janitor at maging houseboy ay pinasok ni Abzonie para makatulong sa pamilya.

Ang ina ni Abozonie ay isang labandera para itaguyod ang kanyang ibang kapatid lalo't iniwan na sila ng kanilang ama.


Kwento ni Abozonie, bumalik siya sa kanilang lugar taong 2015 at naghanap ng scholarship upang maipagpatuloy ang kanyang pagaaral.

Imbes na ma-insecure si Abzonie sa kanyang edad ay ginawa niya itong inspirasyon para makatapos sa pag-aaral. Siya din ang nag-enganyo sa kanyang mga kaklase na mag-aral ng mabuti.

Sa kanilang labing limang magkakaibigan ay sampo ang nagtapos na may honor dahil narin sa pagiging matulungin ni Abzonie upang makapag-aral ng mabuti.
Larawan mula sa abs-cbn news
Larawan mula sa abs-cbn news
Dahil din sa mga naitabi ni Abzonie na allowance sa kanyang scholarship ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya, patunay lamang na isang mabuting anak itong si Abzonie.

Pero hindi pa tapos si Abzonie sa pagpupursige magaral dahil balak pa nitong kumuha ng master degree para maging guro.


****

Source: ABS-CBN News