Litrato mula sa ABS-CBN News |
Sa ngayon, wala pang napatunayang pangyayari tungkol sa ganitong insidenteng at ito'y pinabulaanan ng Philippine National Police ang mga kumakalat na balita.
Gaya na lamang ng isang 13 anyos na babae sa Quezon City na kung saan ay umamin sa mga awtoridad na gawa-gawa lamang niya ang kuwento at post niya sa social media na dinukot siya at pinatutubos sa kaniyang mga magulang.
Ayon sa report ng ABS-CBN News, humarap sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), at Barangay Old Balara si alyas "Sarah" noong Miyerkules at inaming hindi totoong siya ay kinuha ng ilang lalaki gaya ng kaniyang sinabi sa social media.
"Hindi po totoo na nadukot ako," ayon kay Sarah.
"Naisipan ko lang po 'yon kung may mag-aalala sa'kin o wala," dagdag niya.
Sa Facebook post ni alyas "Sarah", kanyang ibinahagi na dinukot siya sa may Old Balara. Humingi rin siya ng tulong dahil hindi raw siya makatakas sa mga nandukot sa kaniya.
Kumalat ang Facebook post ni "Sarah" kaya agad na napansin ito ng mga barangay official at pulis.
Sa takot, nagpa-blotter ang ina ni "Sarah" sa QCPD Station 6 noong alas-5 ng hapon noong Linggo.
May text message ding natanggap ang ina ni "Sarah" mula sa umano ay nanguha sa kanya na nanghihingi ng perang pantubos kapalit ng buhay ng anak. Ang mga nasabing text messages at ipinakita ng ina sa mga awtoridad.
Sa naunang kwento ni alyas "Sarah", pinakawalan daw siya ng mga dumukot sa kaniya noong Lunes dahil walang pera ang kaniyang mga magulang para siya ay tubusin. Pero kalaunan ay umamin ang bata na ang kwentong ito ay gawa-gawa lang.
Ayon sa opisyal na report ni "Sarah" sa mga pulis, nagtungo raw siya sa simbahan at nakitulog lang sa isa niyang kaibigan.
Dahil sa nangyaring insidente, inirekomenda ng QCPD na isailalim muna sa counselling sa Quezon City Protection Center si "Sarah" para matulungan. Pag-aaralan ng mga awtoridad kung kailangan itong dalhin sa Quezon City Social Services Development Department.
Muli namang nakiusap ng mga awtoridad sa publiko na maging responsable sa pag-share ng mga sensitibong bagay sa social media.
Source: ABS-CBN News