Larawan mula sa post ni Susan Bautista Liwanag |
Ngunit sa kahit pa na anong mga security measures mula sa mga banko ang napapaloob gamit ang mga credit card ay wala itong kawala sa mga kamay ng may masasamang balak at gawain.
Larawan mula sa post ni Susan Bautista Liwanag |
Naging nakagawian nadin ng karamihan na kapagka nagbabayad ng pang gas, pagkain, shopping o kung ano mang transaksyon ay kusa na nilang ibinibigay ang Credit card o Debit card sa mga satff ng mga stores para i-process ang pagbabayad, ngunit sa maling gawaing ito, ang iba ay nabibiktima ng pangunguha ng detalye ng credit card upang ito'y kanilang personal na magagamit.
Sa sitwasyon na ikinuwento ni Susan, alam niya na may mga ganito ng mga pangyayari, kaya tinakpan niya ng sticker ang Card Verification Value o CVV na nakalagay sa likod ng card.
Isa ito sa confidential na impormasyon ng credit card, upang hindi siya mabiktima ng pangunguha ng detalye ng credit card at posibleng gamitin ito sa mga hindi awtorisadong pagastos ng kaniyang pera.
Larawan mula sa post ni Susan Bautista Liwanag |
"Months ago nag post at nag share ako ng tungkol sa pag takip ng 3 digit ng number sa likod ng mga credit card, sinunod ko ito sa lahat ng card ko para sa proteksyon na di ito MA kokopya o ma pipicturan ng mga may balak na masama," kwento niya.
"Pag balik sakin ng card ko, TANGGAL NA ANG STICKER NA NILAGAY KO SA CREDIT CARD KO !!!! Mabuti at nag chechek ako ng card pag binabalik sa akin," saad niya.
At dahil sa nangyari ay agad niyang pina-block ang pagamit nito at paalala niyang mag-ingat sa pagamit ng credit card dahil di niya inakala na mangyari 'to sa kanya sa maganda at kilalang restaurant.
Narito ang kanyang buong pagkukwento:
Months ago nag post at nag share ako ng tungkol sa pag takip ng 3 digit ng number sa likod ng mga credit card, sinunod ko ito sa lahat ng card ko para sa proteksyon na di ito MA kokopya o ma pipicturan ng mga may balak na masama.. kaninang 3pm sa sm north sa isang restaurant/ cake shop na kilala Ito ang nangyari..
Pag balik sakin ng card ko, TANGGAL NA ANG STICKER NA NILAGAY KO SA CREDIT CARD KO !!!! Mabuti at nag chechek ako ng card pag binabalik sa akin..
Na pa block ko na din kaagad itong card na ito. .
Kaya mag ingat ng sobra!!! Sa magandang resto pa ito nang yari sa akin !!!
Takpan nyo na likod ng mga credit card nyo para if ma tamper.. alam nyo na may nag balak dito at ma papa block nyo asap ang card nyo.
Saka kayo na mismo ang magdala sa cashier pag mag babayad na para wala ng ibang makahawak nito...
***
Source: Susan Bautista Liwanag
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!