Viral ngayon sa social media ang video ng lalaking galit na galit sa isa pang motorista na nakaalitan nito sa kalsada.
Imahe mula Facebook
Sa Facebook video na in-upload ng netizen na si Merly C. Paredes, kitang-kita sa video ang pagsigaw at pagmumura ng lalaki sa driver ng L300.
Ayon kay Paredes, lasing ang lalaki sa video. Ilang video rin ang in-uplaod nito.
"Panoorin nio ang isang mayaman lasing na driver at kung panu murahin ang isang kawani ng gobyerno at kayo humusga kung dapat ba nasa kalye ang mga ganitong klaseng tao.. Porket mayaman ka lalaitin mo mga ordinaryong tao, May pag lalagyan ka sa ginawa mo," ayon sa caption ni Paredes.
Mapapanood sa video na sobra ang galit ng lalaki habang sumisigaw at nagmumura. Ayon sa kanya, sinusubukan niyang lumipat ng linya ngunit ginitgit umano siya ng L300.
Itinaggi naman ng driver ng L300 ang akusasyon ng lalaki.
Isa pang kinagalit ng lalaki ay ang pagsunod umano ng L300 sa kanya sa lugar kung saan naganap ang kanilang pagtatalo.
Pero ayon sa mga sakay ng L300, binato sila ng lalaking galit sa video.
Samantala, mapapansin sa video ang pagkaarogante ng lalaki nang tila minata niya ang driver ng L300 nang sabihan nitong, “Ang dumi-dumi mo!”
Pilit rin nitong itinatanggi ang pangbabato at pang-aalipusta sa pamilyang sakay ng L300 at pinaalis ang mga ito.
Ayon sa inilabas na statement ng St. Luke's Medical Center, ang lalaki sa video ay si Tomas Joaquin Mendez ay dating trainee lamang nila at hindi naging parte ng kanilang institusyon.
Imahe mula St. Luke's Medican Center
Narito ang mga ilang komento ng mga netizens.
Sa ngayon ay umabot na sa 14k reactions, 19k comments at 101k shares ang nasabing post ni Paredes.
Isang paalala mula sa amin sa News Spy. Habaan po natin ang ating pasensiya at magbigayan upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari. Respeto at pagmamahal lamang mga kababayan.
***
Source: Merly C. Paredes | Facebook