Babaeng basurera simula bata, nakatanggap ng 100% scholarship sa Australia - The Daily Sentry


Babaeng basurera simula bata, nakatanggap ng 100% scholarship sa Australia



Larawan mula sa How To Care
Sinong mag-aakala na ang isang dating batang basurera ang makakapagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa bilang isang valedictorian.

Dahil sa hirap ng buhay, maraming bata ang hindi nakakapag-aral o nakakapasok manlang sa paaralan, kung kaya naman sa murang edad pa lamang ay napipilitan na ang mga ito magtrabaho upang makatulong sa magulang.

Meron siniwerte at meron din hindi, kung kaya naman kapag nagkaroon ka ng oportunidad para makapag-aral ay wag na itong pakawalan.

Tunghayan ang kakaibang kwento ng buhay ng isang babae na simula bata ay namumulot na ng basura hanggang nabigyan ng pagkakataon para makapag-aral at makaahon sa kahirapan.

Kilalanin si Sophy Ron na nanirahan sa tambakan ng basura at sa murang edad ay napilitan na itong magbanat ng buto upang makapag-aral kung kaya naman naka-graduate ito bilang valedictorian at nakatanggap pa ito ng scholarship mula sa University of Melbourne, Australia.
Larawan mula sa abc.net.au
"I didn't realise it was smelly, I didn't realise it was dirty, I slept there, I ate there, I did everything there, so it became my home." ayon kay Sophy

Nagsimula ang lahat ng mayroon lumapit sakanyang lalaki at tinanong siya kung nais ba nitong makapag-aral sa school.

"He asked me whether I wanted to study English, and at that time I had no idea what English was, I ran home feeling happy because he promised he would take me to school." kwento ni Sophy.


Tinulungan si Sophy ng Cambodian Children’s Fund o CCF upang magpatuloy sa pag-aaral kung kaya naman ginawa niya itong oportunidad upang makapag-tapos at maging isang valedictorian sa kanilang paaralan.

Sa kanyang naging speech sa pagtatapos ng pagaaral bilang isang valedictorian, kitang-kita ang pagiging matalino ni Sophy lalo na sa pagsasalita ng Ingles.
Larawan mula sa abc.net.au
Sa kabila ng lahat na kanyang natanggap na parangal, hindi pa rin nakakalimot si Sophy sa kanyang pinagmulan kaya nais nitong makasama ang mga kaibigan at pamilya bago tumungo sa susunod na kabanata ng kanyang pag-aaral sa Australia.

Kahanga-hanga ang naging kwento ng buhay ni Sophy at sana'y magtagumpay siya at marating nito ang kanyang pangarap sa buhay.

Isa ito sa patunay na kahit na ano man ang hirap ng buhay na kinakaharap ng isang tao ay malalagpasan ito basta huwag lamang susuko sa mga hamon ng buhay.

****

Source: abc.net.au