Edward Anthony Manio |
Sa panahon ngayon, ramdam ng nakararami ang hirap ng buhay, ang hirap upang kumita ng pera sa pang araw-araw na gastos.
Gayunpaman, walang pinipiling panahon ang mga manloloko kung saan naglipana parin ang kaliwa't kanang pananamantala ng mga online scammers sa pambibiktima kung saan tinatarget nila ang masimot ang laman ng iyong bank account.
Katulad nalang ng naging post na ibinahagi ni Edward Anthony Manio kung saan nakatanggap siya ng dalawang magkahiwalay na E-mail mula sa mga nagpapanggap na galing umano sa dalawang malalaking banko dito sa bansa.
"Be always wary of phishing emails. They will try to get your log-in and/or personal details so the perpetrators can gain access to your accounts and siphon whatever you have," babala niya.
Email mula s nagpapanggap na taga-BDO | Larawan mula sa post ni Edward Anthony Manio |
"I got these 2 suspicious messages in a span of several days," dagdag niya.
Kung di ka masusiat masuri sa mga ganitong modus sa mga online account, ay di mo akalaing ito ay pamamaraan na pala ng isang bank phishing scam.
Sa unang larawan, makikita ang laman ng E-mail na aakalain mo mula sa Banco de Oro (BDO). Dito lahat ng pwedeng magagaya mula sa branding ng naturang institusyon ay kinokopya nila upang ito'y magmukhang kapani-paniwala sa lahat ng kanilang bibiktimahin.
At ang paraan nila upang ikaw ay mabingwit sa modus ay ang pagkukunwari na pinapaalam nila sa mga kliyente nila na ma de-deactivate ang kanilang access sa online account kapagka wala silang makuhang aksyon mula sa iyo.
At bibigyan ka nila ng madaling pamamaraan sa pamamagitan ng paghingi ng mga iilang impormasyon sa iyong account gamit lang ang isang link na nakalakip sa E-mail.
Sa isang maling galaw mo lang mula doon sa link ay pwede na nilang masimot lahat ng iyong pera sa banko.
Nakatanggap din si Manio ng isang phishing email mula sa nagpanggap na taga Bank of the Philippine Islands (BPI), sa parehong paraan ay isasara nila ang iyong account kung hindi mo ito ma-verify gamit pa din ang isang link.
Email mula s nagpapanggap na taga-BPI | Larawan mula sa post ni Edward Anthony Manio |
Paalala ni Manio na hindi nanghihingi ng mga sensitive bank account details ang mga financial institutions sa pamamagitan ng Email at ng link.
"Most financial institutions will not you tell you to give your online credentials through a link. I'm with Fraud Detection guys," saad niya.
***
Source: Edward Anthony Manio
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!